^

PSN Opinyon

Positive news

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa rin humuhupa ang mga negatibong ulat nitong nakaraang weekend. Hanggang kahapon, Martes, laman pa rin ng balita ang pangunahing programa ng administrasyong Duterte, ang kampanya laban sa iligal na droga na nagbubunga rin ng katakut takot na kontrobersiya. Marahil, ang pinaka-angkop na istatistiko na mababasa natin ay ito: sa kabila ng pagbubunyi sa pangkalahatang pagbagsak ng krimen sa lipunan, ikinagulat naman na ang murder rate ay tumaas nang sobra.

Ayon sa Directorate for Investigative and Detective Management ng Philippine National Police, ang volume ng krimen itong huling tatlong buwan ay nasa 149,526. Ito ay mas kaunti ng 18,746 na insidente mula sa 168,272 ng nakaraang taon. Respetableng 11.4% na improvement record.

Siyempre, aakalain mong napakalaki ng impact ng kampanya ng administrasyon laban sa kriminalidad. Ang kaso ay kapag ang murder rate naman ang suriin, makikita na ito’y tumalon mula sa 2,359 at naging 3,760. Katumbas nito ay increase ng 1,401 na kaso o 60%! Mabubura nga ang ating titulo bilang isa sa drug capital sa Asia. Mapapalitan naman ito ng one of the murder capitals ng Asia.

Sa kabila ng mga mapait na ulat, ang positibong balita na talagang tumatak sa ating isip ay isang human interest story mula sa Amerika. Ang isang barberya ay nag-aalok ng diskuwento sa hair cut ng mga bata kapag ang mga ito ay magbasa habang ginugupitan. Si Ryan Griffin ng Michigan, mahigit 20 years nang barbero, ay nang-eengganyo ng mga menor de edad na basahan siya habang kanyang ginugupitan. Pagnatapos na ay magtatanong siya tungkol sa kuwentong binasa upang masigurong ito’y naintindihan.

Layunin ni Ryan Griffin at ng iba pang nakikiisa sa ganitong mga pagkilos ang maalalayan ang ating mga kabataan sa kanilang patuloy na edukasyon, lalo na sa mga panahon ngayon na hindi na natututukan gaano ang importanteng ugali ng pagbasa. Sa dami ng teknolohiyang pagbabali-ngan ng atensiyon, anumang tulong na mabibigay sa mga kabataan na sila ay mawili sa pagbasa ay napakalaking bagay para sa kanilang kinabukasan.

vuukle comment

ATTY. ERNEST MACEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with