^

Punto Mo

Pagbigyan muna ng media si Duterte

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

HINDI pa man nagsisimula sa kanyang pormal na panunungkulan ay hindi na agad maayos ang relasyon ni incoming president Rody Duterte sa media.

Maaring hindi pa nakakapag-adjust si Duterte na dapat ay magbago na ito ng estilo at pagkilos bilang presidente ng bansa.

Iba’t iba ang kultura ng mga Pilipino depende sa kanilang probinsiya.

Ako mismo bilang isang Bisaya dahil ang aking ama ay mula sa Negros Occidental ay iba ang kultura sa pakikitungo sa tao.

Mas mabilis na maging palagay ang loob ng mga Bisaya sa kanino man kahit na  sa maikling panahon pa lang nagkakasama.

Isang halimbawa rito ay ang pagbibigay ng pagkakataon ni Duterte sa GMA tv reporter na si Mariz Umali kung saan ay eksklusibong nainterbyu niya ang incoming president at siya ay pinasakay mismo sa kanyang pribadong behikulo.

Maaring sa pagkakaunawa at pakiramdam ni Duterte na closed o kadikit na sila ng reporter na si Umali kaya naman sa isinagawang press conference ay sinipulan niya ito nang magtanong.

Sa mga Bisaya ay isang biro at kasabay na pagpapakita ng paghanga at pagiging malapit na kaibigan ang pagsipol.

Pero tila iba ang pagtanggap dito ni Umali maging ng kanyang asawa na parang lumilitaw na pambabastos ang sipol.

Hindi ko naman masisisi si Umali at ang kanyang mister dahil taga- Manila ito dahil ang pagsipol sa mga Manileño kadalasan ay may halong pagnanasa at pambabastos baga at kabaliktaran naman ito sa mga Bisaya.

Gayunman, makakabuting pagbigyan na lang muna ng taga-media si Duterte hanggang sa makapag-adjust ito sa kanyang bagong tungkulin at bilang pinakamataas na pinuno ng bansa at abangan na lang natin kung papalpak sa mga pangako ay saka dito bumuwelta ang taga-media.

vuukle comment

DAVAO MAYOR ROWDY DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with