^

Bansa

Apela ni Tolentino ibinasura ng SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong inihain ni senatorial candidate Francis Tolentino na humihiling na ipatigil ang proklamasyon ng mga nanalong Senador na nasa pang-10 hanggang pang-12 puwesto.

Ayon sa Korte Suprema, “moot and academic” na ang kasong inihain ni Tolentino.

Matatandaan na natuloy noong May 19 ang proklamas­yon ng National Board of Canvassers na binubuo ng mga miyembro ng Comelec En Banc makaraang mabigo si Tolentino na makakuha ng TRO mula sa Korte Suprema.

Si Tolentino ay nasa pang-13 ng mga tumatakbong senador batay sa official tabulation ng Commelec. Sa kanyang 10 pahinang petisyon, sinabi ni Tolentino na nakompromiso ang resulta ng eleksyon dahil sa pagbabago ng smartmatic sa scrip o hashcode ng transparency server.

Hinimok din ni Tolentino ang Korte Suprema na ipag-utos na ipabukas at isailalim sa forensic audit ang authomated election system para malaman kung naapektuhan ang resulta ng eleksyon matapos galawin ng smartmatic ang script.

vuukle comment

CHINA

P-NOY

SCARBOROUGH SHOAL

TRILLANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with