^

Probinsiya

Police station ni-raid ng NPA: 2 pulis, 1 pa dinukot

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang pulis kabilang ang hepe at isang sibilyan ang dinukot habang isa namang pulis ang nawawala sa pagsalakay ng mga rebeldeng New People’s Army sa himpilan ng pulis­ya sa bayan ng Governor Generoso, Davao Oriental kamakalawa ng gabi.

Ito’y sa gitna na rin ng planong pagsusulong ni incoming President Rodrigo Duterte na maipagpatuloy muli ang peace talks sa hanay ng CPP-New People’s Army (CPP-NPA).

Sa ulat ni P/Chief Supt. Manuel Gaerlan na isinumite sa Camp Crame, bandang alas-8 ng gabi nang salakayin ng mga rebelde ang himpilan ng pulisya sa nasabing lugar.

Kinilala ang binihag na hepe ng pulisya na si P/Chief Inspector Arnold Ongachen, isang babaeng pulis at isa pang babaeng sibilyan na ginamit na human shield sa pagtakas.

“The police station was overrun as the troops ran out of bullets, if not for that it would have not been overrun,” pahayag ni P/Supt. Antonio Ibot, Davao Oriental PNP spokesman

Nabatid na nasorpresa ang mga pulis sa biglang pag-atake ng mga rebelde na  lulan ng trak at dalawang pick-up  na agad pinaputukan ang  himpilan na nauwi sa palitan ng putok ng mag­kabilang panig.

Sugatan naman si PO3 Johnray Cinco habang na­wawala naman si PO2 Edmund Garrido.

Nabatid na niransak pa ng mga rebelde ang armory ng himpilan na tinangay ang anim na shotguns, anim na M16 rifles, M14 rifle, dalawang caliber 9mm pistols, tatlong hindi pa natukoy na armas at isa pang narekober na shotgun.

Narekober naman ang mga sasakyang ginamit ng mga rebelde kahapon ng umaga.

Ayon naman kay Cap­­tain Rhyan Batchar, spokesman ng Army’s 10th Infantry Division, tinutugis na ng tropa ng sundalo ang mga rebelde na sangkot sa nasabing raid.

vuukle comment

A CEBU CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with