2 utas sa road mishap
CAVITE , Philippines - Patay ang 23-anyos na lalaki habang kritikal naman ang kasama nito makaraang salpukin ng trak (NNI 328) ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng Centennial Road sa Brgy. Tabon 1, Kawit, Cavite kahapon ng madaling araw. Kinilala ang namatay na si Kennex Lendon D. Biag ng Suburbia Subd. sa Barangay Parang, Marikina City habang ginagamot naman sa Binakayan Hospital and Medical Center ang backrider na si Eduardo Sister ng Brgy. Pinagbayanan sa San Juan, Batangas. Arestado naman ang driver ng trak na si Dominic Lingan, 34, ng Brgy. Toclong sa nasabing bayan. Samantala, namatay din ang 41-anyos na driver na si Efren Petalvo matapos sumemplang ang kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Gov. Ferrer Highway sa Brgy. Pasong Kawayan I sa General Trias City, Cavite kahapon ng umaga. Sumalpok din ang biktima sa paparating na pampasaherong jeep ni Timoteo Salgado.
- Latest