^

Probinsiya

Ret. gen. ng Marines nalunod

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang retiradong heneral ng Philippine Marines na kinilala bilang “warrior” partikular na laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang nasawi makaraang malunod habang lumalangoy sa Batangas Bay kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Ret. Brig. Gen. Cesario Atienza, 61 anyos, ng Nova Villa, Brgy. Alangilan, Batangas City.

Sa ulat, alas-7:30 ng u­maga nang malunod sa Batangas Bay sa Sitio Ilaya, Brgy. Sta. Clara, Batangas City ang dating heneral.?Nagawa pa siyang isugod sa Golden Gate General Hospital pero idineklarang dead-on-arrival.

Si Atienza ay dating 2nd Marine Brigade Commander sa Sulu sa panahon ng termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. 

Nagsilbi na deputy commander ng AFP Eastern Min­danao Command sa pa­nahon ng Ampatuan massacre noong Nob. 23, 2009 kung saan 57 katao kabilang ang 32 mediamen ang napatay matapos namang mapanumbalik ng kapayapaan sa lugar nang isailalim ito sa martial law. Pinarangalan din siya bilang isa sa TOPS (Ten Outstanding Philippine Soldiers) ng Metrobank Foundation.

vuukle comment

PHILIPPINE MARINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with