^

True Confessions

Salome (58)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PATULOY sa pagmumura si Mam Pilar kay Salome. Wala namang kakilus-kilos si Salome sa pagkakatayo.

‘‘Tau-tauhan ba talaga ako rito? Anong akala mo sa akin? Punyeta ka! Narito ka para magtrabaho at hindi para mag-aral,’’ sabi ni Mam Pilar kay Salome. Walang kakilus-kilos si Salome. Hindi siya sasagot dito kahit hindi halos makain ang sinasabi. Kaya naman niyang tanggapin ang mga masasakit at masasamang salita. Kakayanin niya dahil gusto niyang matapos sa pagkaguro. Gusto niyang magtrabaho kaagad para makuha ang kanyang inay sa probinsiya.

“Hindi na nga ako kinunsulta nung kunin kang katulong ng punyetang si Hector e eto naman ngayon. Malilintikan ang Hector na ‘yan. Sobra na ang ginagawa sa akin, sobra na! Kailangang kalusin na! Magbalot-balot ka na Salome. Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo. Palalayasin ko rin ang Hector na ‘yun!’’

Hindi makakilos si Salome. Tapos na ang pangarap niya! Saan siya pupulutin ngayon kapag pinalayas siya. Malamang umuwi na lamang siya sa probinsiya at tulungan ang inay niya sa paggamas ng palayan.

Pero nabuhayan siya nang pag-asa nang biglang dumating si Sir Hector at kinumpronta ang asawa.

“Anong nangyayari rito?’’

“Huwag kang umarte punyeta!”’ sabi ni Mam Pilar. ‘‘Bistado ko na ang ginagawa mo. Bakit mo pinayagan mag-aral ang babaing yan?’’

“Anong masama kung pag-aralin siya, Pilar?’’

“Ayaw kong mag-aral siya. Kung maid—maid  na lang siya habambuhay. Hindi dapat nag-aaral ang maid.’’

“Hindi! Magpapatuloy siya sa pag-aaral. Hindi siya titigil. Iyan ang utos ko.’’

“Punyeta ka, Hector.’’

“Kahit anong sabihin mo, okey lang,’’ sabi ni Sir Hector at binalingan si Salome. “Sige na Salome, pumasok ka na, kaya ko na ito!’’

Nagmamadaling umalis si Salome. Thirty minutes na lang at late na siya. Nagtatakbo siya. Kailangan makahabol siya.

Habang naglalakad, iniisip niya ang nangyayari kina Sir Hector at Mam Pilar. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with