^

PSN Showbiz

Charice break na sa ka-live in!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Charice break na sa ka-live in!
Alyssa at Charice

Hiwalay na pala si Charice sa kanyang ka-live na isang dating singer din na si Alyssa Quijano.

Yup, lumayas na raw si Alyssa sa tinitirhan nilang apartment ni Charice bitbit ang kanyang mga gamit at ilang hindi sa kanya diumano ayon sa source na nagkuwento kahapon.

Si Charice ay nakikitira raw sa isang fan sa Laguna at si Alyssa ay walang alam ang source kung saan ngayon naglalagi.

Almost one week na diumanong hiwalay ang magkarelasyon.

Maaalalang simula nang umamin si Charice na isa siyang tibo ay naging lantaran na ang relasyon nila na ayon sa Instagram post ng sumikat na singer ay nag-celebrate sila ng fourth anniversary last October 2016.

Last year din ay maaalalang inamin ni Charice bukod sa planong pagkakaroon ng baby, nagpaplano rin daw silang pakasal.

Isyu rin noon na ayaw na ayaw ng nanay ni Charice kay Alyssa na sumali noon sa X Factor Philippines dahil sinira-siraan diumano ni Alyssa si Charice nu’ng mga bata pa sila at nagkakalaban sa mga si­nging competition.

Last year pa ang album ni Charice at sa kasalukuyan ay walang balita kung ano’ng lagay ng singing career niya.

For a while ay nagkaroon ng international career si Charice nang tulungan siya ng sikat na TV host na si Oprah Winfrey at sa tulong ni Ellen DeGeneres na siyang unang nagbigay sa kanya ng exposure.

Coco bibida at ididirek ang Panday!

Oh nakuha pala ng Star Cinema ang rights para sa pagsasa-pelikula ng Ang Panday na dating pelikula ni Da King Fernando Poe, Jr.

Kahapon sa kumalat na post sa social media, makikitang magkasama sina Coco at Direk Carlo Caparas. Sa post ng kaibigang si Erik John Salut ng ABS-CBN, ibinalita niya ang tungkol dito. “WOW!!! This good news! Comics King & director Carlo J. Caparas granted the King of Television and Cinema @mr.cocomartin the rights of the movie Panday, which @mr.cocomartin will topbill and direct, and pitch as an entry to the upcoming Metro Manila Film Festival 2017.”

Wow si Coco din ang director.

Kim may natutunan nang mahiwalay kay Gerald!

Pagpapatawad ang natutunan ni Kim Chiu sa pitong taon nilang hindi pagsasama ni Gerald Anderson pagkatapos nilang mag-split.

Back to Ikaw Lamang ang Iibigin ang dating magka-loveteam at mag-ex.

Aminado ang dalawa na may awkward moments sila sa umpisa ng taping pero mabilis silang nakapag-adjust. “Siyempre, una, awkward talaga kasi hindi naman kami super-friends nito. Hi-hello lang kami sa ASAP, hello, kumusta?, okay naman, o babay’, ganyan.

“Tapos ‘yung mga eksena namin, chummy-chummy, ganyan-ganyan. So parang hala, after ilang years, okay sige, gawin na natin ‘to.

“Pero ‘yun, nakakatuwa na pareho kaming professional. And ‘yun, medyo awkward din sa mga taong kaharapan namin, lalo na nun’g una, kasi siyempre, alam naman nila ‘yung nangyari sa amin and ‘yung hindi masyadong kagandahang mga ganap,” kuwento ni Kim sa presscon the other night.

Anyway, eere simula Monday ang Ikaw Lamang... bago mag-It’s Showtime.

Sayang nga lang at pang-morning ang show. Maraming nag-expect na sa Primetime ito mapapanood.   

vuukle comment

ALYSSA QUIJANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with