^

PSN Palaro

Texters, Batang Pier unahan sa quarters

SUPALPAL! - Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mag-uunahan sa pagpitas sa ikatlong quarterfinals ticket ang TNT Katropa at ang Globalport, habang magpapalakasan ng kanilang tsansa ang Blackwater at Star.

Magbabanggaan ang Tropang Texters at Batang Pier ngayong alas-7 ng gabi matapos ang salpukan ng Elite at Hotshots sa alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Tanging ang nagdedepensang San Miguel at Phoenix pa lamang ang nakapagbulsa ng tiket sa eight-team quarterfinal round.

Target ng TNT Katropa ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos gibain ang Mahindra, 104-92, noong Enero 18.

“I’m not so much satisfied with the game but on the effort of the players to find a way to deliver a positive outcome,” sabi ni coach Nash Racela sa kanyang Tropang Texters na sasamantalahin ang 100-106 ka­biguan ng Batang Pier sa Beermen.

Muling aasahan ng TNT Katropa sina Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Kelly Williams, Troy Rosario at Moala Tautuaa katapat sina Terrence Romeo, Stanley Pringle, Billy Mamaril, JR Quiñahan, Papot Paredes at Mick Pennisi ng Globalport.

Sa unang laro, puntirya naman ng Star ang kanilang back-to-back wins sa pagsagupa sa Blackwater.

“Sabi ko sa kanila one game at a time,” wika ni mentor Chito Victolero matapos ang 88-77 panalo ng kanyang Hotshots kontra sa Tropang Texters noong Enero 15.

Matapos ang Blackwater ay lalabanan ng Star ang Meralco sa Sabado sa Philsports Arena at ang Mahindra sa susunod na Miyerkules. 

 

vuukle comment

TNT KATROPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with