^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Totoo na sana ang paglilinis ng MMDA

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Totoo na sana ang paglilinis ng MMDA

MARAMI ang nagulat nang maging maaliwalas ang kahabaan ng Roxas Boulevard sa baha-ging Parañaque at Pasay. Ang Baclaran na dati’y hindi madaanan ng sasakyan dahil sa nagsala-salabat na illegal vendors ay malinis na malinis na ngayon at maraming natutuwa. Pagkaraan ng ilang dekada, ngayon lamang nagluwag ang Baclaran. Malaya nang nakakapaglakad ang mga tao sapagkat wala nang sagabal. Wala na ring mga sasakyang nakahimpil sa kung saan-saan.

Ang pagbabagong anyo sa Roxas Blvd. at Baclaran area ay dahil sa maigting na kampanya ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na mapaluwag ang mga kalsadang inokupa ng illegal vendors at mga pasaway na may-ari ng mga sasakyan ganundin ang mga walang disiplinang drayber ng bus at dyipni.

Sabi ni MMDA Chairman Tim Orbos, magpapatuloy ang kampanya at hindi lamang ang Roxas Blvd. at Baclaran ang kanilang paluluwagin kundi pati na rin ang ibang lugar sa Metro Manila kasama na ang mga palengke.

Ayon kay Orbos, target nilang isunod ang mga palengke sa Balintawak at Farmers sa Quezon City. Ang mga lugar na nabanggit ay sala-salabat din ang illegal vendors na halos hindi na madaanan ang kalsada na nagdudulot ng grabeng trapik. Balak din umanong linisin ang Quiapo at Divisoria sa Maynila. Ang mga nabanggit na lugar ay halos wala nang galawan ang mga sasakyan sapagkat nasa kalsada na ang mga vendors. Itataboy ngayon pero bukas ay naroon na naman. Balak ding linisin ang Guadalupe, Makati na isa rin sa matrapik na lugar dahil sa nagkalat na vendors at mga sasakyang nakaparada sa kung saan-saan.

Tagumpay ang MMDA sa paglilinis sa Bacla-ran at sana ay magtagumpay din sa ibang lugar. Sana, totoo na ang ginagawang ito ng MMDA. Sa mga nakaraang administrasyon, walang nagtangka na linisin ang Baclaran at iba pang lugar sa Metro. Paano’y pinagkakakitaan ang vendors. Kung totoo ang plano ni Orbos, marami ang mawawalan ng kita o delihensiya.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with