^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga pagkukulang ng PNP chief

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga pagkukulang ng PNP chief

PANIBAGONG sampal sa Philippine National Police (PNP) ang pagkakadiskubre kay Supt. Maria Cristina Nobleza na may relasyon sa isang miyembro ng Abu Sayyaf. Umano’y 2013 pa nagsimula ang relasyon ni Nobleza at ngayon lamang nadiskubre. Mahina ba talaga ang intelligence gathering ng PNP at maski ang sariling tauhan ay hindi namamalayang “sumisiping” na sa kalaban. Kung 2013 pa nakikipag-ulayaw si Nobleza sa sinasabing bomb maker ng Sayyaf na si Reneer Lou Dongon, marami nang naisubo ang police officer sa bandido. Maski ang kaliit-liitang impormasyon ay maaaring naibigay na niya. At ito marahil ang dahilan kaya malakas ang loob ng mga mamamatay-taong Abu Sayyaf na sa Bohol naman maghanap ng makikidnap. Pero hindi sila nagtagumpay sapagkat walong miyembro nila ang napatay. Isa sa napatay ay ang lider na namugot sa ulo ng Canadian at German hostages noong nakaraang taon.

Tangkang i-rescue nina Nobleza at Dongon ang nalalabi pang Sayyaf noong Sabado pero nahuli sila ng military nang hindi tumigil sa checkpoint. Sa pagkakataong iyon lamang nadis­kubre ng PNP na may relasyon pala sina Nobleza at Dongon. Napag-alaman din na kasal na ang mga ito.

Kung mahusay ang intel ng PNP, dapat noon pa sila naghinala na may namamagitan na sa bandidong si Dongon at Nobleza. Dapat nalaman agad nila ito at nang hindi na gaanong “naka­pasok” sa PNP ang bandido na ang expertise ay gumawa ng bomba.

May kakulangan dito si PNP chief Director General Ronald de la Rosa dahil wala siyang ka­malay-malay na isa sa kanyang tauhan ay nahulog sa kalaban.

Hindi pa nakakabawi ang PNP sa pagpatay sa Korean businessman sa loob mismo ng Camp Crame ay mayroon na namang panibagong du­ngis. Dapat mag-isip-isip si De la Rosa kung bakit nangyayari ito sa PNP. Tutulug-tulog ba siya?

vuukle comment

MARIA CRISTINA NOBLEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with