^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag nang magpadala ng DH sa Kuwait

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag nang magpadala ng DH sa Kuwait

PINAG-AARALAN na umano ng Department of Labor and Employment (DoLE) na huwag nang magpadala ng domestic helper (DH) sa Kuwait. Ito ay kasunod nang pagbitay sa Pinay na si Jakatia noong nakaraang linggo. Inakusahan si Jakatia na pumatay sa anak na babae ng kanyang amo noong 2007. Pinagsasaksak umano ni Jakatia habang natutulog ang anak ng amo. Pero ayon sa kapatid na lalaki ni Jakatia, ang ina raw ng babae ang pumatay dito. Nahuli raw ng ina ang anak na nakikipagtalik sa boyfriend nito. Sa galit ng ina sa anak, sinaksak ito ng 29 na beses. Para hindi makulong, si Jakatia umano ang idiniin sa krimen. Sabi pa ng kapatid ni Jakatia, hindi raw nag-match ang fingerprint ng kanyang kapatid na nakuha sa lugar ng krimen. Nagulat daw sila nang malaman na bibitayin na si Jakatia. Ang alam nila, pinag-aaralan pa ng korte ang kaso. Si Jakatia pa raw ang tumawag sa kanila at nagpaalam na bibitayin na. Ipinagbilin daw ni Jakatia ang dalawang anak na huwag pababayaan.

Dapat na itigil na ang pagpapadala ng domestic helper sa Kuwait. Nakatapak sa hukay ang kanang  paa ng mga Pinay DH sa bansang nabanggit. Mas maraming napapahamak sa bansang iyon dahil sa pang-aabuso, pangmamaltrato, panggagahasa at iba pang hindi makataong pagtrato.

May mga report na marami nang na-rape na Pinay sa Kuwait pero hindi na nagrereklamo ang mga biktima at ipinapasa-diyos na lamang ang mapait na sinapit. May insidente na dinadala ang kawawang Pinay sa disyerto at doon gina-gang rape. May pinapaso ng sigarilyo ang katawan at kung anu-ano pang kahayupan.

Dapat magkaroon nang mabilisang aksiyon ang DoLE na huwag nang magpadala ng domestic helper sa Kuwait. Tama na ang masasakit at mahapding naranasan ng mga Pinay doon.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with