^

Kutob

Abril 29, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi ako magkukulang, maipapa-enrol ang mga bata sa takdang araw at maaayos ang pambili ng mga school supplies.

 

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang labis na paghanga ay dapat iwasan dahil dito ka maloloko. Iwasan ang madilim na lugar kung maglalakad sa gabi. Huwag padala sa sulsol. Iwasan ang tumanggap ng anumang pabuya o suhol dahil ito ang sisira ng iyong pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 33, 35 at coral red.

GEMINI  (Mayo 21-Hunyo 21) – Ang positibong pakikipag-usap ay nagpapakita ng tunay na saloobin at pagkatao. Bigyang halaga ang mga suliraning pantahanan para maisaayos. Ang pagbabago sa masamang ugali ay malaking tulong sa ikakaunlad ng sarili at kabuhayan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 27, 39 at neon green.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Taglay ang katalinuhan na makapagbibigay ng magandang halimbawa sa iba. Ang pagmamalasakit sa kapwa ay may magandang daan na samahan. May pagkakataon na makatanggap ng bagong impormasyon tungkol sa negosyo o trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 12, 15, 23, 33 at aqua blue.

LEO  (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang kaibigan ang hihingi ng tulong na dapat hindi pagkaitan. Iwasan ang pag-gastos sa walang kabuluhang bagay. Ibaling ang pansin sa mga bagay na pagkaka-abalahan na maaaring makatulong at pagkakakitaan. Mahalaga ang magtiyaga. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 16, 31 at sapphire blue.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Magiging masigla at magaan ang pakiramdam sa umaga subalit magiging matamlay sa dapit-hapon dahil sa pagod. Iwasan ang anumang argument. Ang pag-uwi ng maaga ay magiging kagalakan ng pamilya. Maaaring ang isang anak ay may suliranin sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 7, 22, 35, 40 at yellow gold.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Ang aktibidad na sosyal ay maaaring makapagbukas ng landas sa relasyon ng pag-ibig. Makakaharap ng suliranin ngunit sa taglay na hinahon at talino, ang lahat ay magiging maayos. Balikatin ang anumang responsibilidad sa gawain nang buong tiyaga at husay. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 26, 39 at maroon.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Iwasan ang mga taong hindi nagtitiwala sa kakayahan at kaalaman. May susubok sa iyong pasensya kaya gamitin ang matinong pag-iisip at hinahon. Iwasan ang basag-ulo o masangkot sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 38, 42 at flame red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Lihim na paghanga o pag-ibig ang kanyang nararamdaman sa iyo. Lakasan ang pakiramdam, talasan ang pakikinig at may matutuklasan. Iwasan ang anumang hakbang na may kinalaman sa pagpapautang ng pera. Lumalandas ang magandang kapalaran sa tamang daan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 27, 40 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Makikita ang nawawalang gamit. Huwag padala sa mga matatamis na salita at baka maloko. Tumatahak sa landas nang katuparan ang pangarap sa pag-ibig. Iwasan ang maging mainitin ang ulo at baka maaksidente o masangkot sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 32, 34 at pale yellow.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang paghanga sa matuwid na gawain ang magiging gabay mo. Mag-ingat sa mga taong makakasalubong sa paglalakad at baka matangay ang cellphone o kwintas. Iwasan ang maging madaldal. Angkop ang paglalakbay sa malayo o malapit. Maging handa sa pagtanggap ng tulong na kusang ilalapit. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 30, 41 at fire red.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May pangyayari na makapagpapabago sa mga binabalak. Sikapin na maging kagiliw-giliw dahil kumikiling ka sa pagmumukmok sa isang tabi. Isang hindi pagkakaunawaan ang magaganap dahil sa isang tsismis. Ang planong pinansyal ay kailangan ng pagbabago. Lucky numbers at color for the day ay 6, 32, 34, 38 at white.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Iwasan ang magbitiw ng mga masasakit na salita. Ang maging praktikal ay mahalaga ngayon. Ang pakikipagtulungan sa kasama ay may ganting magandang samahan at harmoniya. Magkakaroon ng magandang pagkakataon sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 25, 35 at green.

 

 

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with