^

Dr. Love

Paminsan-minsan na lang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tatlong taon pa lang kaming mag-asawa ni Alex pero parang hindi na kami sweet sa isa’t isa. Wala pa po kaming anak dahil late na ka­ming nag-asawa at kapwa kami nagsikap munang magtatag ng aming ikabubuhay.

Lampas na kaming 30 anyos nang ikasal bagaman ang courtship period at engagement ay tumagal din ng halos limang taon.

Noon pong mga panahon nang ligawan at engagement, si Alex ay palaging sabik sa akin at aaminin ko, ako man ay gayundin sa kanya. Kaya naman hindi pa man kami kasal, ang sex life namin ay maituturing na parang mag-asawa na. 

Pero po, bakit ngayong kami ay mag-asawa na at hindi pa naman natatagalan kaming nakakasal, hindi na kasing-init nang dati ang aming romantic life.

Kung dati ay walang liban ang aming pagsisi­ping ng aking asawa, ngayon ay paminsan-minsan na lamang. Ito po kaya ay tanda na nagsasawa na siya sa akin?

Malimit na ako na ang gumagawa ng daan para magkaroon kami ng sex pero kung minsan, tinatanggihan niya ako dahil kailangan niyang gumising nang maaga para makapasok din nang maaga.

Ano po kaya ang maaaring maging dahilan kung bakit manlalamig ang isang asawang lalaki sa kanyang maybahay?

Payuhan mo po ako kung ano ang dapat kong gawin. Dahil kaya hindi pa kami makabuo ng anak o mayroon na kaya siyang ibang babae?

Maraming salamat po at more powrer.

Gumagalang,

Alona

 

Dear Alona,

Hindi mo malalaman ang tunay na dahilan kung bakit paminsan-minsan na lang ang romantic life ninyong mag-asawa kung hindi mo tatanungin ang mister mo. Mahalaga na sa anumang agam-agam ay may bukas na komunikasyon ang mag-asawa.

Sa palagay ko ay malambing ka namang asawa. Kaya daanin mo sa paglalambing saka mo siya usisain.

DR. LOVE    

 

vuukle comment

PAMINSAN-MINSAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with