^

Dr. Love

Malamig si Misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Magandang araw po. Kumusta kayo, Dr. Love? Nawa ay sumakamay ninyo ang sulat ko na nasa maayos na kalagayan. Tawagin mo na lang akong Bart. Ang problema ko ay tungkol sa pagiging malamig ng aking asawa sa aming private moments.

 Wala akong ibang problema sa kanya. Maa­yos siyang mamahala ng bahay. Asikaso niya ang aming mga anak. Kaso nga ay masyado siyang malamig sa aming pagtatalik. Hindi siya ganoon noong bagong kasal kami. Pero nung isilang ang pangalawa naming anak, nagsimula na siyang mawalan ng gana.

Tinatanggihan na niya ako kung minsan kapag nasa mood akong makipag-sex.  At kung pagbigyan man niya ako ay parang napipilitan. Nagkakaroon tuloy ako ng pagdududa sa aking kakayahan sa pakikipagtalik. Wala namang dahilan na isipin ko na may ibang lalaki sa buhay niya dahil sa bahay lang siya palagi at nag-aasikaso ng aming tahanan.

May isa lang kaming katulong na tagapaglaba at tagaplantsa. Siya na ang gumagawa ng ibang gawain.

Tunlungan mo po ako, Sir.

Bart
Dear Bart,

Madalas, ang dahilan ng panlalamig ay nasa edad. Hindi mo nasabi kung ilang taong gulang na siya. May mga babae na kapag nasa menopausal stage na ay posibleng nababawasan ang hilig sa sex. May mga kaso naman na kung kalian naging menopause ay saka lalong umiinit.

Kung hindi pa naman menopause ang babae, baka naman masyado lang siyang pagod sa gawaing bahay. Sa tingin ko, isa siyang ulirang babae pero dapat mo siyang unawain.

Maglaan ka ng oras para kapwa kayo makapag-relax at makapagpahinga naman siya.

Naniniwala ako na isa iyan sa mga kalutasan sa inyong problema.

Dr. Love

 

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with