^

Bansa

1 dedo, 3 sugatang sundalo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isa habang tatlo naman ang sugatang sundalo nang magsawaga ng “harassment attack” ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isang detachment ng military sa Brgy. Mati, Surigao City, dakong alas-12 ng hatinggabi ng Lunes

Ayon kay AFP Spokesman Brig.Gen. Restituto Padilla, ang tropa ng mga sundalo ay idineploy sa nasabing lugar bilang bahagi ng Peace and Develpoment Team na tumutulong sa civic mission o programang pangkaunlaran ng kumonidad.

Base sa report, higit sa sampung armadong rebelde ang nagpaulan ng bala sa nasabing detachment, hatinggabi ng Lunes, na dahilan upang magkasagupaan ang mga sundalo laban sa mga rebelde.

Tumagal ng halos sampung minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ng isang sundalo na hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan at ikasugat ng tatlo pang sundalo na ngayon ay nilalalapatan ng lunas sa isang pagamutan sa nasabing lungsod

Sa kasalukuyan, inalerto naman ng AFP ang tropa ng militar na maging mapagmatyag  sa lahat ng oras upang hindi mapuntusan ng mga kalaban.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with