^

Bansa

5 patay, libu-libong pamilya apektado

KUTOB - Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang limang katao, dalawa ang sugatan, habang nasa halos 300 libong pamilya ang apektado ng malawakang pagbaha matapos na magmistulang ‘waterworld’  na ang malaking bahagi ng CARAGA Region bunga ng dalawang linggong mga pag-ulan dulot ng tail end of the cold front at Low Pressure Area (LPA), ayon sa report ni Regional Dir. Rosauro Arnel Gonzales Jr.,

Kinilala ni Gonzales ang mga nasawing biktima na sina Jenmar Monog, 1 taong gulang ng Jabonga, Agusan del Sur; Archie Jayma, 22 ng Agusan del Sur; Guillermo Helarion, 51 ng La Paz, Agusan del Sur; Rogelio Puyales, 44  ng Tandag City, Surigao del Sur at Estrella Papas, 86 ng Butuan City, Agusan del Norte.

 Ang mga nasugatan  ay nakilala namang sina Fatima Dalaan, 26 at Rio Lance Dalaan, 5 buwang sanggol.

 Nabatid sa opisyal na  kabilang sa mga apektado ng pagbaha ay sampung bayan sa Agusan del Sur  na naging catchbasin ng mga lalawigan ng Bukidnon, Compostella Valley, Davao del Norte at Davao Oriental.

 Sa lalawigan lamang ng Agusan del Sur ay nasa 27,458 katao ang naapektuhan ng mga pagbaha habang 340 namang kabahayan ang tuluyang nawasak nang anurin ito ng mga umapaw na ilog ng nasabing lalawigan.

Nagpapatuloy naman ang pamamahagi ng mga lokal na opisyal ng relief assistance sa mga binahang pamilya na nanatili pa rin sa mga evacuation centers.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with