^

Pang Movies

Estrada clan sanib-puwersa sa pelikula ni Sen. Jinggoy

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - In full force ang Estrada family sa premiere ng Ang Tatay Kong Sexy na gaganapin ngayong Martes ng gabi sa SM Manila. Ito ay bilang pagsuporta kay Sen. Jinggoy Estrada sa pelikulang ginawa niya bago siya nakulong sa Camp Crame. Kaya asahan natin ang buong Ejercito-Estrada family na dadalo sa pangunguna ni Manila Mayor Joseph Estrada sa premiere night.

Kasama rin sa pelikula si Dominic Roque na isang magaling na actor na ngayon. Dati pabuntut-buntot lang ito kay Beth Tamayo na tiyahin niya.

Ngayon ay natupad na ang pangarap niyang maging artista. Kamakailan lang ay binisita niya ang tiyahin na nasa New York ngayon.

Jennylyn ayaw mag-expect sa number 1 ng FHM

Nangunguna pa rin sa listahan ng FHM 100 Sexiest Women ang Kapuso star na si Jennylyn Mercado. Tsika ng aktres, hindi naman daw siya nag-e-expect na makuha muli ang titulo at okay na raw siya kung anuman ang maging resulta ng botohan. “Never ako nag-expect. Kasi mahirap mag-expect, eh. Kung ano man ‘yung magiging desisyon nila, eh happy na ako doon. Masaya kasing isipin na kahit papano, ‘di ba, napapansin pa rin nila na, uy, naaalagaan ko yung sarili ko kahit na nanay na ako.”

Camille showbiz na ang buhay

Hindi raw alam ng Kapuso host at actress na si Camille Prats ang kanyang gagawin kapag iiwan niya ang showbiz para magpalit ng ibang trabaho. Aniya, simula bata palang daw kasi ay showbiz na ang mundong kanyang kinamulatan. “I’ve been doing this since I was seven! This is the only thing that feels so familiar to me. Kung mahal mo pala talaga ang ginagawa mo, talagang naninibago ka na hindi mo siya ginagawa at parang mami-miss mo siya. Kapag may trabaho ka, sobrang busy mo halos hindi ka na natutulog, ‘pag wala naman, talagang I don’t feel productive. Suwerte lang din siguro na I really like what I do kaya hindi ko rin siya siguro iisipin na hindi gawin,” pagbabahagi ni Camille.

Pero hindi malaswa, Jaclyn game magpa-sexy

Hindi makapaniwala ang 2016 Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose kung bakit siya napiling magbida sa sexy comedy program ng Kapuso Network na A1 Ko Sa ‘Yo.

Sey ng aktres, hindi naman daw siya sexy kaya nagtataka pa rin siya kung bakit siya ang nakuha sa show. “Hindi ako sexy pero feeling ko kaya ako kinuha kasi ‘pag sexy kinuha, malaswa. Eh ako kahit maglalabas ako ng mga hita ko, wala,” natatawang hirit ng magaling na aktres.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

DEPARTMENT OF JUSTICE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with