^

Bansa

PNoy kinasuhan ng graft sa PDAF, DAP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinasuhan kahapon si Pangulong Aquino sa Office of the Ombudsman ng kasong katiwalian dahil umano sa maling paggamit ng P220 billion pork barrel funds.

Bukod kay Pangulong Aquino kasamang kinasuhan sina Budget Sec. Butch Abad, Agriculture Sec. Proceso Alcala at Senate Pres. Franklin Drilon.

Sa pitong pahinang complaint ni dating Iloilo Cong. Augusto “Boboy” Syjuco Jr., tumatakbo sa pagka-pangulo, sinabi nito na ang administrasyong Aquino ang may pinakamalaking nawaldas na pork barrel.

Sina Aquino ay dapat anyang managot sa umano’y maling paggamit ng Department of Agriculture (DA) sa DAP funds at PDAF ng mga mambabatas.

Ayon pa kay Syjuco, ang korupsyon sa pork barrel sa ilalim ng administrasyon Aquino ay nakakikilabot na dapat sana’y nagamit sa tamang paggastos.

Inakusahan din ng dating kongresista ang Pa­ngulo ng maling paggamit sa pondo ng Agricultural sector na dapat sana’y nagamit sa mga magsasaka.

Anya, may kabuuang P14.4 bilyon ang ginamit ng DA sa mga kuwestyonableng programa at proyekto ng ahensiya tulad ng farm-to-market roads, credit financing para sa livestock sector at financial assistance para sa mga commercial crops.

Sinabi pa ni Syjuco na bukod sa maling paggamit sa pondo ng P220 bilyon Pork Barrel funds ng administrasyon, mali rin umano ang ginawang paggamit sa P62.5 bilyon ng PDAF at ang P157 bilyong DAP.

Pinaiimbestigahan din ni Syjuco ang mga taong sangkot dito at ang mga ahensyang pinaglaanan ng mga naturang pondo.

vuukle comment

ANG

AQUINO

BUDGET SEC

BUTCH ABAD

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ILOILO CONG

MGA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PANGULONG AQUINO

PORK BARREL

SYJUCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with