^

Bansa

Pagiging ‘most influential’ dahil sa pagmumura - Digong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Mismong si Pangulong Duterte pa ang nagmalaki na ang pagmumura niya kay dating US Pres. Barack Obama at sa European Union (EU) ang naging dahilan kaya nangunguna siya ngayon sa isang online voting tungkol sa mga pinaka-maimpluwensiyang tao sa buong mundo.

Si Duterte ang na­ngu­nguna ngayon sa online voting ng TIME Magazine sa ‘100 Most Influential People in the World’.

“Yan lang ang panlaban ko sa Ombudsman, sa UE, EU…Sorry, I slipped there. Pati si Obama, “I’d like to just remind some countries that are practicing extra-judicial killing and I’d like to mention’. Sabi ko, saba diyan, tumahimik ka nga. Go to hell. So mas popular pa tuloy ako ngayon ‘di ba? So most influential, “ anang Pangulo.

Pero idinagdag ni Du­terte na wala naman talaga siyang impluwensiya at hindi rin niya naimpluwensiyahan kahit pa ang justice secretary.

“Wala naman akong ma-influence,  Hindi ko nga naimpluwensya ‘yang Secretary of Justice ko. I do not influence people. Sabi nila number one na daw ako,” pagmamalaki ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na ang kanyang sikreto sa pangunguna ngayon ay ang kanyang pagmumura.

“Anong sikreto? P***hin mo lang . P**** i** ninyong lahat,” anang Pangulo.

Ipinahiwatig rin ni Duterte na imposibleng mangyari ang wish ni Sen. Ping Lacson sa kanyang kaarawan na siya ay ma­ging statesman.­

“Eh kung mag--- sabi nga ni Ping Lacson, ang birthday wish niya sa akin is for this time, for Duterte to be a statesman. Nag- bili kaagad ako ng libro sa Abreeza sa Davao. Statesman, statesman. Si Lacson man ang nakikita ko dito, hindi man ako. Ikaw na lang mag-Presidente sunod. Hindi talaga ako maging statesman. Frankly, I’ve never graduated to being really a President,” ani Duterte.

Mananatili rin umano ang ugali niya noong siya ay mayor pa lamang kung saan nakilala na siyang nagmumura.

vuukle comment

BARACK OBAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with