^

Metro

48 ‘pasaway’ na parak sasailalim sa rehab

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung may rehabilitas­yon sa mga drug addict, isa­sailalim din sa rehabilitasyon ang mga tiwaling pulis.

Nabatid na sasailalim sa “disciplinary training” ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang 48 na  pasaway na pulis.

Ito ay bilang bahagi ng programa ng NCRPO upang  linisin ang hanay ng pulisya kontra katiwalian at alisin ang mga ‘bugok na itlog’ na kasamahan.

Sa ipinalabas na memo-randum ni NCRPO director   Oscar Al­ba­yalde simu­la noong Biyer­nes (Marso 24), ang 48 na pulis ay sasailalim sa 15-araw na “intensive disciplina­ry training at reorientation program”, na isasagawa sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ang mga ito umano ay na­­haharap sa mga kasong admi-nistratibo o may mga nagawang paglabag sa kanilang tungkulin.

Sa panahon ng kanilang disciplinary training, ang natu-rang mga pulis ay pawang nasa restricted status.

“The problem on undisciplined and rogue cops has been a long time challenge in the Philippine National Police particularly at the NCRPO”, ani Albayalde. 

Sinabi ni Albayalde, na  ang  pang-aabuso at paggawa aniya ng katiwalian ng ilang pulis ay apektado ang buong organisasyon ng PNP.

Idinagdag pa nito na nakakadismaya aniya ang mga ganitong insidente at tiniyak nito na sa ilalim ng kanyang liderato ay hindi niya papayagan ang mga bugok na itlog sa NCRPO na mamayani at makapag-impluwensiya pa sa mga matitinong pulis.

Sinabi pa ni Albayalde, na pagtutuunan niya ng pansin ang ganitong mga problema  para matulungan ang mga pulis na ayusin ang kanilang buhay at turuang maging ma-buting public servant.

Ipinunto nito na marami pa rin aniyang mga mabu-buting pulis sa PNP, kung saan ang disciplinary training  aniya ay isang magandang opurtunidad  sa mga pulis  na hindi naman gaanong tiwali para makapagbago at mas magkaroon ng dedikasyon sa kanilang serbisyo.

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with