Luneta gathering ang tunay na ‘people power’-Malacañang
MANILA, Philippines - Ang naganap na pagtitipon sa Luneta ay tunay na “people power” na nagpapakita ng pagkakaisa para suportahan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar dahil tinatayang nasa 215,000 ang estimate ng pulisya sa mga nagtipun-tipon kumpara sa 2,000 na nagtipon sa EDSA.
Nagkakaisa din ang mga lumahok sa Luneta rally na hindi nila papayagan ang anumang tangkang destabilisasyon laban sa Duterte government.
“Ito po ang tunay na people power. Ang people power hindi blue, red, dilaw, hindi itim. Ang people power po ay tayong lahat na Pilipino,” giit pa ni Sec. Andanar.
Bukod sa PCOO chief, dumalo rin ang ilang gabinete ng Pangulo na sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Sen. Alan Peter Cayetano, Health Secretary Paulyn Ubial, National Security Adviser Hermogenes Esperon, Sandra Cam at Mocha Uson.
- Latest