40 bahay nilamon ng apoy
February 17, 2017 | 12:00am
BULACAN, Philippines - Tinatayang aabot sa P.250-milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang 40 bahay sa Barangay Malhacan, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga. Sinasabing nagsimula ang apoy sa bahay ni Ricardo Alban, 71, ng Purok Maligaya sa nasabing barangay. Sa inisyal na ulat ni SFO2 Jose Marie Punzalan ng Meycauayan City Bureau of Fire Protection, umabot sa 3rd alarm ang sunog kung saan aabot sa 50 pamilya ang naapektuhan at naapula dakong alas-11:20 umaga.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Recommended