^

Punto Mo

10 Gentle Reminders

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa
  1. Mas tahimik ang isang tao, mas lalo siyang pakikinggan.
  2. Iniwan ka, hindi dahil marami kang nagawang pagkakamali, kundi, paulit-ulit mong ginagawa ang isang pagkakamali.
  3. Kung wala sa pagkatao mo ang pagiging mayabang, may katotohanan ang nararamdaman mo na magaling ka! Gawin mong inspirasyon ang paniwalang iyon.
  4. Kung gusto mo nang maayos at malinis na bahay, huwag mo itong punuin ng maraming gamit.
  5. Kung ayaw mong magkaroon ng matalik na kaaway, huwag makikipag-date sa ex ng iyong matalik na kaibigan.
  6. Ugaliing mag-tip sa waiter kahit hindi ka nasarapan sa inorder mo. Wala siyang kasalanan. Either hindi ka marunong pumili ng masarap na menu o kasalanan iyon ng cook.
  7. Maging bukas ang isipan sa pagbabago pero panatilihin pa rin ang magandang pag-uugali.
  8. Humingi ka ng tawad. Period. Ang taos pusong paghingi ng tawad ay walang karugtong na pangangatwiran.
  9. Maging prangka, pero naroon pa rin ang paggalang sa kausap. Maging mabait, pero huwag magpakatanga. Maging proud sa sarili, nang hindi nagyayabang.
  10. Higit sa lahat…huwag kang magsisinungaling sa sarili mo.

vuukle comment

GENTLE REMINDERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with