^

Police Metro

Indian national patay sa ika-2 ambus

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na naligtasan ng isang Indian national ang kanyang kamatayan matapos na pagbabarilin ng nag-iisang salarin habang sakay ng motorsiklo kahapon ng umaga sa Caloocan City. 

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Rai Bansal, 60, negosyante, at naninirahan sa Unit RBS Building sa may Teodoro St., 5th Avenue, Brgy. 55 ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-11:40 ng umaga sa tapat ng tinutuluyang condominium building ng biktima sa 5th Avenue ay nakaupo ito sa  kanyang Suzuki APV (TVO 547) at paalis pa lamang sa gusali nang lumapit ang nag-iisang salarin na nakasuot ng gray na jacket at walang habas na pinagbabaril ang biktima. 

Kaswal lamang na naglakad palayo ang gunman at sumakay sa kanyang motorsiklo na ginamit sa pagtakas.

Ayon sa pulisya na noong taong 2000 ay nakaligtas ang  biktima sa ambush na  ikinasawi naman ng kasamahan nito.

Ang biktima ay nagpapautang ng “5-6” nang una siyang tambangan kaya’t ipinamahala na lang nito sa mga kaanak ang negosyo.

vuukle comment

RAI BANSAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with