^

Punto Mo

Ang paninigarilyo at sakit sa puso

THE PEPPER MILL - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

LAGING iniuugnay ang pa­ni­­nigarilyo sa pagkakaroon ng sakit sa puso. Pero walang malinaw na paliwanag kung paano nagdudulot ng alta presyon ang bisyong ito. Napakarami pa namang kababayan natin ang naninigarilyo at waring hindi “cool” ang isang doctor na nagpapayong itigil na ang bisyong ito. Pero sadyang may kaugnayan ang paninigarilyo at ang pagtaas ng blood pressure.

Sa isang ginawang pag-aaral, natuklasang sa loob ng 5 minuto matapos humitit ng sigarilyo, ang systolic blood pressure (ito yung BP reading sa dakong itaas) ay tumataas ng higit sa 20 mmHg bago muling bumalik sa normal sa susunod na 30 minuto. Ibig sabihin nito, sa loob ng maghapon na naninigarilyo tayo, paulit-ulit na tumataas ang ating blood pressure. Kung ilarawan ito ng naturang pag-aaral ay “part-time hypertension.” Samakatuwid, kung ang isang taong may BP reading na 120/80 ay hihitit ng sigarilyo, posibleng tumaas ang BP nito sa 140/100 sa tuwing hihitit ng isang stick ng sigarilyo. Bakit nangyayari ito?

Ito ay sapagkat may taglay na nicotine ang sigarilyo. Ang epekto ng nikotina sa katawan ay ang pakitirin ang mga ugat kung kaya’t nahihirapang mag-pump ang puso. Bunga nito, mas bumibilis ang tibok ng puso at tumataas ang BP.

May masamang epekto rin ang mga kemikal sa sigarilyo. Nababawasan nito ang supply ng oxygen ng ating katawan. Ibinababa nito ang level ng “good cholesterol” sa katawan (mas dumarami tuloy ang “bad cholesterol”). Pinalalapot nito ang ating dugo; nagiging mas madikit ang mga blood cells na platelets kung kaya’t mas mataas ang panganib ng pagkakaroon ng stroke o atake sa puso. 

Ang sobrang timbang ay sapat na upang magdulot ng alta presyon. Ang sobrang ilang pounds ay nagdadagdag ng pressure sa puso upang dagdagan pa ang pagbomba nito.

Sinasabing obese ang isang tao kapag lumampas ng 20% sa ating ideal body weight ang ating timbang. Ayon sa Framingham Heart Study, ang mga babaeng obese ay walong beses na posibleng magka-alta presyon kaysa sa mga babaing nasa tama ang timbang.

Hindi lang ang sobrang timbang ang isyu. Mahalaga ring malaman kung saang bahagi ng ating katawan natin dinadala ang sobrang timbang na ‘yan. Ang mga taong nagtataglay ng sobrang taba sa taas ng ating balakang (‘yung mga taong tinatawag na apple-shaped) ay mataas ang panganib na magkaroon ng alta presyon, diabetes, at mataas na level ng cholesterol.

vuukle comment

BLOOD PRESSURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with