^

Dr. Love

Transformation

PEOPLE - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Lampas na pong 20 anyos ang best friend kong guy na kung tagurian ng aking barkada ay brother figure.

Mabait si Bong at napaka-friendly niya kaya naman kaming mga kaibigan niya ay nanghihinayang kung magiging matandang binata siya.

Nasa edad na siya, Dr. Love kung tutuusin pero mukhang kahit first kiss ay hindi pa siya nakakaranas. Kapansin-pansin din ang pananamit niya na lipas na sa panahon.

Gusto ko po i-approach siya para kausapin nang heart-to-heart at mapayuhan na baguhin ang image niya para naman maka-attract siya ng babae na maliligawan niya.

Pero may pagka-sensitive siya, Dr.Love kaya hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang balak kong transformation niya. Pagpayuhan po ninyo ako kung ano ang tamang gawin?

Maraming salamat po at more power.

Gumagalang.

Ditty

 

Dear Ditty,

Hindi mo tinukoy ang tiyak na edad niya, kung wala pa naman siyang 25 ay hindi pa masasabing nalilipasan na siya ng panahon. Baka naman mahiyain lang ang kaibigan mo.

Pero wala naman akong nakikitang masama sa hangarin mong matulungan siya, sikapin mo lang na kumuha ng timing. Maganda ay pagtulu­ngan ninyo siya ng iba mo pang mga kaibigan. Maaaring imbitahan n’yo siyang dumalo ng okasyon at doon ay samantalahin ang pagkaka­taon para makausap n’yo siyang lahat. Good luck!

DR. LOVE

 

vuukle comment

TRANSFORMATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with