^

Police Metro

DU30 sa militar: Okupahan ang mga isla ng Pinas sa South China Sea

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inutusan kahapon ni Pangulong  Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na okupahan ang lahat ng isla ng Pilipinas sa South China Sea upang lalong mapalakas ang pag-angkin ng bansa.

“We have to maintain our jurisdiction over South China Sea,” wika ni Duterte sa mga reporters sa  Palawan.

Inatasan ni Duterte ang mga militar na gumawa ng mga  structures at itaas ang bandila ng Pilipinas sa mga isla na pag-aari ng bansa.

Nais ng Pangulong na magtayo ng mga bunk houses ang military sa 9-10 na islets sa Pag-asa island para ipakita na tayo ang lehitimong may karapatan sa nasabing mga isla.

Idinagdag pa ni Duterte na plano niyang bisitahin ang Pag-asa Island sa Independence Day, June 12, upang itaas ang bandila ng bansa doon.

“Basta yung bakante na atin na tirhan na natin mukhang agawan kasi ito ng isla eh,” dagdag nito.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na noong nakaraang buwan ay inutos ni Duterte na pagandahin ang pasilidad ng  Pag-asa island.

Ang bansa ay kabilang sa arbitration dispute sa China sa South China Sea. 

Noong isang taon ay naglabas ang The Permanent Court of Arbitration sa The Hague at idineklara na ang China ay lumabag sa karapatan ng Pilipinas na mangisda sa pinag-aagawang karagatan.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with