^

PM Sports

Golden State hari ng West

Pang-masa

PHOENIX – Ipinoste ng Golden State Warriors ang best record sa NBA para sa pangatlong sunod na season kasabay ng pag-angkin sa korona ng Western Division.

Ito ay matapos gibain ng Warriors ang minamalas na Suns, 120-111, tampok ang 42 points ni Stephen Curry para sa kanilang season-high na ika-13 sunod na arangkada.

Ang Golden State ang unang koponan sa NBA na naglista ng best record sa tatlong sunod na seasons matapos ang Boston Celtics noong 1983-84, ‘84-’85 at ‘85-’86.

Nagdagdag naman si Klay Thompson ng 22 markers para sa Warriors, kasama dito ang krusyal na three-point shot.

Kaagad kumamada si Curry ng 23 points sa first period kung saan kinuha ng Warriors ang 41-18 kalamangan hanggang makalapit ang Suns sa second period sa iniskor na 34 points sa nasabing yugto kumpara sa 17 markers ng una.

Tumapos si Devin Booker na may 21 points kasunod ang 20 at 19 markers nina Tyler Ulis at Jared Dudley, ayon sa pagkakasunod para sa Suns, napantayan ang kanilang franchise record na 13 sunod na kamalasan.

Sa Boston, humataw si LeBron James ng 36 points para tulungan ang Cleveland Cavaliers sa 114-91 panalo laban sa Celtics.

Kinumpleto ng Cleveland sa 3-1 ang kanilang head-to-head match up ng Boston ngayong season at muling mapasakamay ang No. 1 seat sa Eastern Conference.

Nagdagdag si Kyrie Irving ng 19 points, habang kumolekta si Kevin Love ng 15 points at 16 rebounds para sa Cleveland.

Sa Memphis, iginiya ni Russell Westbrook ang Oklahoma City Thunder sa 103-100 pagtakas sa Grizzlies ngunit nabigong magposte ng bagong single-season triple-double record.

Nagsalansan si Westbrook ng 45 points, 10 assists at 9 rebounds para sa Thunder.

vuukle comment

GOLDEN STATE WARRIORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with