^

PSN Showbiz

Ruru matabang na kay Gabbi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Matigas na itinanggi ni Ruru Madrid ang tsikang break na sila ni Gabbi Garcia nang makausap ng ilang entertainment press sa taping ng Encantadia. Okay sila ni Gabbi at hindi lang nakakalabas dahil busy sila sa trabaho. Minsan daw ay apat na araw na ang kanilang taping dahil malapit na ang Holy Week.

Sabi ni Ruru, sa eksena sa Encantadia lang sila hiwalay ni Gabbi, pero friends pa rin sila.

Pero sa mga sagot nito sa tanong ng mga reporter, mahahalatang kulang na sa tamis ang relasyon ng dalawa. Sumagot pa ito ng “Siguro marami pa kaming priority sa buhay, ‘yun muna ang haharapin namin. Walang hiwalayang naganap at kung naging kami, ipagla­laban ko siya sa lahat at magiging proud ako sa kanya.”

Napansin din ng press na very open si Ruru sa paghanga kay Arra San Agustin, ang bago niyang katambal sa Encantadia. “Oo, sobra” at “Hindi siya mahirap mahalin,” ang sagot nito sa tanong kung maganda ba si Arra.

Sabi ng mga reporter, kung sila pa ni Gabbi, hindi siya magiging open sa paghanga kay Arra na ang tsika ay pinagselosan ng dalaga.

Anyway, maganda talaga si Arra at bagay sa kanya ang role ng reincarnation ni Reyna Amihan (Kylie Padilla) at role ni Ariana. Galing siya sa Starstruck 6, 3rd placer kina Klea Pineda at Ayra Mariano. Enjoy siya sa Encantadia at dedma sa bashers at sinunod ang payo ni Ruru na ‘wag nang basahin ang bad comments.

Klea hindi nakuha sa Debut si Andre

Noon pang March 19 ang 18th birthday ng GMA Artist Center talent na si Klea Pineda, pero sa Saturday Mar. 25 ang kanyang debut party na gagawin sa Nobu Hotel/Wave Poolside sa City of Dreams. Tatlong gowns ang isusuot niya sa buong gabi ng party at dalawa ay gawa ng designer na si Kim Gan.

Dahil walang BF, ang ama ang first dance niya at wala rin siyang escort dahil gusto niya sa kanya lang ang spotlight sa party. Si Rocco Nacino na kasama niya sa Encantadia ang kanyang last dance. Karamihan din sa guests sa party ay kasama niya sa fantaserye, kung saan, nakilala siyang si Muyak na isang lambana.

Invited din ang crush niyang si Andre Paras, pero out of the country ito. Si Dennis Trillo ang isa pang crush ni Klea.

Beauty queen material si Klea na bukod sa maganda, morena, matangkad sa height na 5’ 9.” Three years from now ay sasali siya sa Bb. Pilipinas at gustong manalong Miss Universe. Favorite niya si Pia Wurtzbach na three times nag-try sa Bb. Pilipinas bago nanalo at naging Miss Universe.

That’s Entertainment nabuhay sa MTB

Sinagot ni Janno Gibbs ang tanong ng netizens kung balik-GMA-7 na siya dahil lalabas ito sa Meant To Be bilang ex ni Manilyn Reynes. Guest lang pala si Janno at buti pinayagan siya ng TV5.

Hanggang May 2017 pa raw ang contract ni Janno sa TV5. Dahil dito balik-Kapuso kaya siya? O baka naman magaya ito kay Ogie Alcasid na panay ang guesting sa GMA-7, pero sa ABS-CBN pumirma ng kontrata?

Ang lakas ng That’s Entertainment feel sa MTB dahil magkakasama rito sina Manilyn, Keempee de Leon, Janno, Tina Paner, at Sheryl Cruz.

Request ng fans, ipasok na rin sina Romnick Sarmenta na ex ni Sheryl at sina Cris Villanueva at Ramon Christopher na naging ex ni Tina.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with