^

PSN Palaro

Diaz gagawing motibasyon ang mga blessings sa 2020 Tokyo Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpasalamat si Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz sa kaliwa’t kanang parangal na nakatakdang tanggapin nito kabilang na ang Athlete of the Year na igagawad ng Philippine Sportswri­ters Association (PSA) sa Annual Awards Night sa Pebrero 13 sa Le Pavilion sa Pasay City.

Nangunguna si Diaz sa listahan ng mga kikila­lanin sa PSA Awards Night matapos ang kanyang matikas na kampanya sa Olympics noong nakaraang taon sa Rio de Janeiro, Brazil.

“Sobrang daming blessings ang natatanggap ko kaya nagpapasalamat ako kay God sa patuloy niyang paggabay sa akin at sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagbibigay ng karangalan sa akin,” wika ni Diaz.

“Mas lalo akong nagi­ging inspirado sa mga ginagawa ko dahil alam ko na marami ang nakahandang sumuporta at tumulong para maabot ang pangarap nating lahat lalo na yung sa Tokyo Olympics sa 2020,” dagdag nito.

Tinuldukan ni Diaz ang 20 taong pagkauhaw ng Pilipinas sa medalya nang kubrahin nito ang pilak sa women’s 53-kg weight division sa likod ng gold meda­list na si Hsu Shu-Ching ng Chinese Taipei.

 Bumuhat si Diaz ng kabuuang 200 kgs. sa snatch at clean and jerk habang nagtala ng 212 kgs. ang Taiwanese lifter.

Sa katunayan, bago sumabak sa Rio Games, tansong medalya lamang ang target ni Diaz.

Subalit sinuwerte si Diaz nang mabigo si Li Yaiun ng China na makuha ang tangka sanang Olympic record.

Huling nanalo ng me­dalya ang bansa noong 1996 Atlanta Olympics mula kay boxer Mansueto ‘Onyok’ Velasco.

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with