^

PM Sports

Manila Clasico sa bocaue

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Dadayuhin ba ng mga tao ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan upang panoorin ang Ginebra-Star matchup sa Pasko?

Palaisipan ito sa marami pero mukhang desidido na ang PBA na doon laruin ang “Manila Clasico” dahil naka-book na sa ibang event ang Smart Araneta Coliseum at MOA Arena.

Patok at gumawa ng record ang 2014 PBA season opener sa nasabing Bulacan playing arena sa haba ng preparasyon at sa pagtutulungan ng PBA, venue ma-nagement at sponsors.

Malaking tulong ang shuttle buses na ikinasa noon ng liga dahil talagang mahirap puntahan ang lugar kung wala kang sariling sasakyan.

May tsansang ganon din ang mangyari dahil nag-uusap na ang PBA at ang Jam Liner kung saan part owner ang may-ari ng Mahindra Floodbuster team. Maghaharap din ang Floodbuster at Blackwater Elite sa Christmas Day presentation ng liga.

Ang siste ay mayroon daw restrictions ang Philippine Arena management dahil sa kanilang religious beliefs. Hindi sila nagseselebra ng Christmas kaya dapat walang Christmas greetings at Christmas gift-giving sa nasabing okasyon.

Ang suhestiyon ng isang dating PBA official, “happy holidays” na lang ang isigaw ng game barker at ng mga nakaupo sa TV at radio panel.

***

Pinik-up ng Rappler.com ang isang kalilipas na artikulo ko tungkol kay dating Ateneo hotshot Kiefer Ra-vena na nagpupursigi sa America na walang suweldo sa asam niyang makalaro sa NBA.

“Minsan kasi may mga bagay na kahit walang bayad gusto mo talagang subukan. Tulad siguro nung pangarap kong makapag-NBA. Hindi yun siguro mapapalitan ng kahit anong amount,” ani Kiefer sa panayam ng Rappler.com.

***

Hangarin naman na muling makalaro sa liga ng mga ‘di kabataan na  kasali sa first Bagbaguin Elite Seniors Cup na magsisimula sa Lunes sa Bagbaguin Activity Center sa Valenzuela.

Sina PBA legends Alvin Patrimonio at Gerry Esplana ang special guests sa opening rites ng liga na suportado ni barangay chair Abegail Tolentino dela Cuesta at ang kanyang konseho.

Kasali ako sa Batch 83 team na kinabibilangan din nina Vermon Indiongco, Kandong Pabaya, Ariel Francisco, Odie Chua, Dennis Alemania, Edgar Atanante, Butch Darnayla, Romeo Beltran, Romeo Francisco, Teddy Robles, Abet Matus, William Ramos, Fred Sy, William Ramos at Busog dela Cruz.

vuukle comment

GINEBRA-STAR MATCHUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with