^

PM Sports

Balipure, Customs magpapalakas sa semis

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Palalakasin ng Bureau of Customs Transformers at BaliPure Water Defenders ang kanilang tsansa na makapasok sa semifinal round sa kanilang pagharap ngayon sa magkaibang kalaban sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference na gaganapin sa Philsports Arena sa Pasig City.

Lalong lumakas ang tsansa ng Transformers at Water Defenders na makuha ang huling dalawang semis slots bunga sa pagkatalo ng Philippine Air Force sa University of the Philippines, 25-16, 25-20, 25-10 noong Lunes ng gabi.

Sa panalo ng Lady Maroons tinapos nila ang elimination round tangan ang 3-4 win-loss record habang bumagsak ang PAF Jet Spikers sa 2-4 kartada ngunit mayroon pang isang larong natitira ang Air Force kontra sa Customs sa Sabado. 

Kung mananalo ang Jet Spikers at manalo rin ang Laoag laban sa BaliPure ngayong gabi puwede pang mangyari ang five way tie para sa No. 3 at No. 4 slot ng mga sumusunod na koponang BaliPure (3-1), Customs (3-2), UP (3-4), Air Force (2-4) at Laoag (2-4).

Magkakaroon pa ng playoffs sa ganitong sitwasyon.

Sa ngayon tanging ang nangungunang UST Tigresses (5-1) at Pocari (4-1) pa lamang ang nakakasiguro ng semis slots dahil hindi na sila kayang abutin ng ibang koponan na nabanggit.

Sa senaryong ito, magiging apat na panalo ang kailangan para pumasok sa susunod na round.

Haharapin ng Customs ang Coast Guard sa alas-4 ng hapon habang magtatagpo naman ang Bali Pure kontra Laoag sa alas- 6 ng gabi. Maglalaban naman ang Air Force at IEM sa alas-12:30 ng tanghali para sa 2nd Spikers Turf Reinforced Conference sa parehong venue.

“Kung meant to be, eh ‘di, go,” sabi ni  UP skipper Kathy Bersola, na umiskor ng 12 puntos laban sa Air Force.  “But either way may na-gain na naman kami from this experience so okay lang din kung makapasok kami or hindi for now and ayun looking forward na lang to the next one,” dagdag pa niya.

vuukle comment

BALIPURE WATER DEFENDERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with