^

Bansa

Enero 23, gugunitain bilang First Philippine Republic Day

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gugunitain na sa bansa ang Enero 23 kada taon bilang First Philippine Republic Day Act.

Ito’y sa sandaling tuluyang maisabatas ang House Bill 477 o ang pagtatatag ng First Philippine Republic Day na iniakda ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado na inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara.

Sinabi ni Sy-Alvarado, na mahalagang gunitain ito ng mga Filipino na naganap sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan noong Enero 23, 1899.

Iginiit ng kongresista na ang nasabing kaganapan ay magpapaalala sa mga Filipino ng patriotismo at katapangan ng kanilang mga ninuno sa paghahanap ng demokrasya at independence na siya rin magiging inspirasyon sa mga Pinoy.

Nakasaad sa panukala ni Sy-Alvarado ang National Historical Commission at  Department of Education ang syang magpaplano ng paggunita sa mahalagang okasyon at sisiguro na maalala ng mga Filipino lalo ng mga estudyante ang pangyayari noong 1899 na nakamit ng Pilipinas ang kasarinlan nito.

Dahilan sa Barasoain Church naganap ang maraming pangyayari sa ating kasaysayan ay una na din itong idineklara bilang National Shrine. Ilan sa mga mahahalagang event na naganap dito ay ang  First Philippine Congress (September 15, 1898), drafting ng Malolos Constitution (September 29, 1898 hanggang January 21, 1899) at inagurasyon ng First Philippine Republic (January 23, 1899).

Sa nasabing Simbahan din nanirahan si General Emilio Aguinaldo at naganap ang inagurasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

vuukle comment

FIRST PHILIPPINE REPUBLIC DAY ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with