Homepage ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch:

READ: Mary Jane Veloso's letters

Protesters gather for a rally outside the Indonesian Embassy in the financial district of Makati city, east of Manila, Philippines, to appeal to the Indonesian government to spare the life of convicted Filipino drug trafficker Mary Jane Veloso Friday, April 24, 2015. Filipino maid Veloso along with eight other foreign nationals and an Indonesian were sentenced to die by firing squad for illegally trafficking drugs into Indonesia in 2010. The protest came at a time as Veloso and the other convicts were transferred Friday to Nusakambangan prison island awaiting possible execution next week. AP/Bullit Marquez

MANILA, Philippines - Filipino national Mary Jane Veloso, who is on the death row in Indonesia, handed four letters to her family letters who visited her last Saturday.

Indonesia on Sunday released a 72-hour execution notice for Veloso and nine others convicted of drug trafficking.

Veloso's letters were addressed to Vice President Jejomar Binay, President Benigno Aquino III, Filipino youth and women, and those who were framed her for drug trafficking. She appealed to Aquino and Binay to save her from the death row, insisting that she was innocent.

She also warned the Filipino youth against using illegal drugs and those who are hoping to work out of the country to be careful with illegal recruiters.

The Department of Foreign Affairs posted a copy of Veloso's handwritten letters on their Facebook page. Read the full text of the letters here:

Homepage ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

 

 

 

 

Para sa mahal kong Pangalawang Pangulo ng Pilipinas

Ako po si Mary Jane Fiesta Veloso, lubos po akong humihingi nang tulong sa inyo, iligtas po ninyo ang aking buhay sa hatol na kamatayan, mayroon po akong dalawang anak na maliliit pa at nangangailangan nang inang mag-aaruga, magpapatnubay sa kanila at nangangailangan nang pagmamahal ng isang ina.

Vice President Binay, kayo lang po ang makakatulong sa akin, hawak nyo po at nang ating Pangulong Pilipinas Ninoy Aquino ang kaligtasan nang aking buhay. Vice President Binay wala po akong kasalanan, isa lang po akong biktima, hinding-hindi ko po magagawang magtrabaho nang masama lalong-lalo na ang magdala o magbenta nang droga sa ibang bansa na hindi ko kilala at unang beses ko palang napuntahan, kahit na po mahirap lang ang buhay namin at gusto kong mabago ang aming buhay, hinding-hindi ko po magagawa ang ibinibintang sa akin, mas gugustuhin ko pa pong magtrabaho bilang katulong kahit na mahirap at pagod pero malinis naman na paraan, pinalaki din po ako nang aking mga magulang na may takot sa Panginoong Diyos, sumusumpa po ako sa harap nang Panginoong Diyos na wala po akong kasalanan at isa lang po akong biktima nang mga taong gumagawa nang kasamaan, marami man pong hindi naniniwala na wala akong kasalanan alam ko po na alam nang Panginoong Diyos na nagsasabi ako nang pawang katotohanan.

Vice President Binay kayo po ang Pangalawang ama nang aming bansa at bilang Panagalawang ama nang aming bansa, iligtas po ninyo ang inyong mga anak sa kapahamakan lalong-lalu na po ang walang kasalanan at naging biktima lang dahil sa kagustuhang magkaroon nang trabaho sa ibang bansa para mabigyan nang magandang kinabukasan ang aming pamilya at mapagtapos nang pag-aaral ang aming mga anak.

Vice President Binay, naniniwala po ako na hindi niyo po ako pababayaan, maraming salamat po sa lahat nang tulong na ipinagkakaloob po ninyo sa akin at nagpapasalamat din po ako kay Pangulong Pilipinas Ninoy Aquino bilang ama nang ating Bansa alam ko po na hindi din po tumitigil ang ating Pangulo sa pagtulong at paghanap nang paraan para matulungan po ako at nang hindi matuloy ang hatol na kamatayan sa akin.

Hanggang dito na lang po ang sulat ko, umaasa po ako na makakamit ko po ang katarungan sa nangyari sa akin, nagpapasalamat din po ako sa mga kababayan natin na handang tumulong, ganon din po sa ating Embassy Pilipina, Embassy Di Jakarta, DFA, na umaasikaso sa kaso ko, ganon din sa mga abogado na may hawak nang kaso ko at sa lahat nang taong tumutulong na mailigtas ako, kahit na hindi sila Pilipino pero handa silang tumulong at palaging nagdadasal para sa kaligtasan ko.

GOD BLESS US.

     Lubos na gumagalang,
     Mary Jane Fiesta Veloso


Para sa mga mahal kong kababayang kabataan sa Pilipinas. Ako si Mary Jane isa akong biktima nang ipinagbabawal na gamot, dahil sa kagustuhan kong mabago ang buhay nang aking pamilya, naniwala ako sa isang tao na bibigyan niya ako nang trabaho sa ibang bansa bilang katulong at dahil sa kabaitan niya sa akin hindi ako naghinala na may masama siyang balak sa akin.

Nakuhanan nang drugs ang dala-dala kong bag na binili nang kaibigan nang nagsama sa akin sa ibang bansa at hinuli ako nang pulis at hinatulan nang kamatayan.
Sa limang taon na pananatili ko sa loob nang kulungan marami akong nalaman, araw-araw kong nakasama ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot, karamihan sa kanila ay mga kabataan at dahil sa maling pakikihalubilo o pakikipagbarkada sa mga taong gumagawa nang ipinagbabawal na gawain, marami ang nagiging biktima at nalilihis nang landas. Karamihan sa kanila ay itinatakwil nang kanilang pamilya, napapariwara, nasisira ang pag-aaral, meron ding nagkakasakit dahil sa ipinagbabawal na gamot at marami na rin akong nakitang namatay dahil sa sobrang paggamit nang drugs.

Huwag ninyong sayangin ang inyong buhay, huwag na huwag kayong gagamit nang ipinagbabawal na gamot o magbebenta, walang idudulot na mabuti sa inyo at masisira pa ang inyong buhay.

Naniniwala ako na sa hindi ninyo paggamit nang drugs o masasangkot sa ano mang klase nang iligal na trabaho, may magandang kinabukasan ang naghihintay sa inyo.

Huwag kayong makakalimot sa Panginoong diyos siya ang maggagabay sa inyo para hindi kayo malihis nang tamang landas.

Kayong mga kabataan ang pag-asa nang ating bayan at magiging bayani nang ating bansa.

Patnubayan nawa kayo nang Poong Maykapal at palaging mapasainyo ang pagpapala nang Panginoong Diyos magpakailanman. Amen.

GOD BLESS US

Mary Jane


Para sa mga mahal kong kababayang babae sa Pilipinas, gusto kong ipaabot sa inyong lahat na kung gusto ninyong magtrabaho o pumunta sa ibang bansa, huwag kayong papayag kung hindi kayo gagamit nang Agency o legal na paraan para maiwas kayo sa kapahamakan at nang hindi ninyo abutin ang sinapit ko.

Alam ko kung gano ang hirap nang buhay sa atin, kasi isa rin ako sa inyo na nakiag sapalaran sa ibang bansa, isa din akong babae na may pangarap na maiahon sa hirap ang aking pamilya, mabigyan nang magandang kinabukasan ang aking mga anak at mapagtapos nang pag-aaral ang dalawa kong anak.

Sa laki nang kagustuhan kong matupad ang aking mga pangarap hindi ko naisip na paggamit ko nang iligal na paraan. Ito ang magpapahamak sa akin, may nag-alok sa akin na bibigyan niya ako nang trabaho sa ibang bansa at madali daw akong makakaalis at magkakatrabaho kasi daw marami siyang kaibigan sa ibang bansa kaya lang papasok daw kami sa ibang bansa na hindi gagamit ng ligal na paraan (tourist) sa kagustuhan kung makaalis kaagad tinanggap ko ang alok sa akin at hindi ko inisip na maling desisyon ang ginawa ko.

Mga mahal kong kababayang babae sa Pilipinas, huwag kayong magpapaloko sa mga rekruter na hindi gumagamit nang ligal na paraan, para makaiwas kayo sa ano mang klaseng problema.

Hindi katulad ko na naloko at sa ngayon limang taon na akong nakakulong dahil sa kasalanang hindi ako ang may gawa at hinatulan nang kamatayan.

Mga kababayang kung babae ayokong mangyari sa inyo ang nangyari sa akin kaya mas mabuti huwag na kayong umalis sa ating bangsa, kahit na mahirap ang ating buhay kasama naman natin ang ating mga mahal sa buhay.

Idinadalangin ko sa Panginoong Diyos na sa paggamit ninyo nang ligal na paraan, maging maayos ang lahat at makapagtrabaho kayo sa ibang bansa nang walang ano mang maling problema o kapahamakan.

Naway pagpalain kayo nang Panginoong Diyos.

Jesus Love Us

Mary Jane


Para sa mga taong nagpahamak nang aking buhay.
 
Gusto kong iparating sa kanila na mabagabag sana ang puso nila sa ginawa nilang kasamaan at itigil na nila ang masama nilang trabaho para wala nang mapahamak na katulad ko at nang wala nang maging biktima nang ipinagbabawal na gamot o biktima ng iligal na trabaho sa ibang bansa.
 
Alam ninyo na inosente ako at bibitayin ako dahil sa kasalanang hindi ko ginawa, ituloy man ang bitay sa akin alam ko na hindi natutulog ang Panginoong Diyos at bibigyan Niya ako nang katarungan sa lahat nang nangyari sa akin.
 
Sana lumiwanag ang inyong isipan at makunsensiya kayo, sana sa lalung madaling panahon mahuli agad ang taong nagpahamak sa buhay ko at para wala nang maging biktimang katulad ko.
 
Para sa akin, napakasakit at napakahirap tanggain na kailangan kung pagdanasan ang lahat nang ito dahil sa mga taong katulad ninyo na gumagawa nang masama.
Pero kahit na napakasama nang ginawa ninyo sa akin palagi ko pa rin kayong ipinagdadasal sa Panginoong Diyos at inihihingi nang tawad sa lahat nang nagawa ninyong kasalanan at kasamaan.
 
Hindi pa huli ang lahat para sa pagbabago, huwag kayong magpakasama nang lubos, meron pang naghihintay na kinjabukasan sa inyo kung lalapit at hihingi nang tawas sa lahat nang nagawa ninyong kasalanan.
 
Trust in God
 
Mary Jane

Homepage ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: