^

Pang Movies

Anak ni Gretchen at Tony Boy naka-graduate na sa pinaka-mahal na school sa London

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Anak ni Gretchen at Tony Boy naka-graduate na sa pinaka-mahal na school sa London

Gretchen at Tony Boy

Naka-graduate na pala sa kolehiyo ang anak nina Gretchen Barretto at partner niyang negosyante na si Mr. Tony Boy Cojuangco.

Flooding sa Instagram account ng dating actress ang mga video ng graduation ng kanilang nag-iisang anak sa Instituto Marangoni London, na isa sa pinakasikat na fashion school sa London.

Ayon sa kanilang website, £15,000 ang tuition fee (foundation year). Sa Philippine peso nagkakahalaga ito ng almost a million, P988,951.99.

Karamihan daw sa mga nagtatapos sa eskuwelahang ito ay may siguradong career  sa fashion industry kaya tiyak na tiyak raw ang pagkakaroon ng bonggang career ng anak ni Gretchen na kamakailan lang ay naging controversial ang actress nang maaktuhan sila ng controversial figure na si Atong Ang na may escort palabas ng airport.

May ilang dinisenyo na si Dominique na nira­rampa ni Gretchen.

Jake

Boses lalaki ni Jake isasabak na sa concert!

Masusubukan na kung may power pa ang boses ni Jake Zyrus na dating si Charice.

Magkakaroon siya ng concert sa mas maliit na venue, Music Museum, sa October.

Ang title, I Am Jake Zyrus. Ito ang first concert niya na lalaki na ang pangalan.

Masusubukan kung gagastusan pa siya ng fans at kung matatanggap ang bagong timbre ng boses niya.

Or baka nga maraming magka-interes manood out of curiosity. Malalaman nga naman kung kaya pa ba niyang bumirit o kung husky na nga ang boses niya  o ka-boses na ba siya ni Justin Bieber.

Maaalang hindi natuloy ang huli niyang naka-schedule na concert dahil wala ngang bumili ng tickets kaya napilitang ikansela ng producer.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with