Ilan pang lugar sa Metro, puntiryang linisin ng MMDA
MANILA, Philippines - Bago matapos ang taong 2017, plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gawing modelo o pamarisan ng ibang lugar sa Kalakhang Maynila ang Baclaran hinggil sa kalinisan.
Bukod sa Baclaran puntirya ng MMDA na linisin ang area ng Balintawak, Cubao, Quiapo, Alabang, Monumento at Divisoria.
Ayon kay MMDA Chairmam Tim Orbos, plano ng ahensiya magsimula ng clearing operation sa iba pang lugar ng Metro Manila bago mag-Disyembre ng taong kasalukuyan.
Kung saan bago aniya matapos ang taong 2017 plano nilang gawing modelo o pamarisan ang area ng Baclaran sa kalinisan laban sa mga sidewalk vendors, illegal terminal at illegal parking ng iba pang lugar sa Metro Manila.
“Everyone thought that clearing and cleaning Baclaran is an insurmountable task but nothing is impossible if we work together to achieve a common goal,” ani Orbos.
- Latest