^

Metro

P418K, P1-M shabu iniwan sa taxi, isinuko ng driver

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa P48,000 cash at nasa 50 sachet ng shabu na iniwan ng isang babaeng pasahero sa loob ng isang taxi ang isinuko ng driver nito sa Quezon City Police District (QCPD), kamakalawa ng hapon.

Ayon kay QCPD Director, P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang driver na humiling na itago ang kanyang katauhan para sa proteksyon ng kanyang pamilya ay nasa edad na 50-anyos.

Nadiskubre ng nasabing dri­ver ang items na nakasilid sa isang shoulder bag na iniwan ng kanyang babaeng pasahero noong nakaraang May 6, 2017 sa may EDSA malapit sa kanto ng N. Lawin Ave., Brgy. Philam, Quezon City at agad na isinuko ito sa Masambong Police Station (PS-2).   

Nabatid kay Eleazar na nang naturang petsa ay nag­sagawa ng anti drug operation ang PS-2 kung saan nadakip nila ang isang babae na kalaunan ay nakilalang si Felicidad Colis, 42, alyas Nanay, na nakaditine sa PS-2.

Si Colis, ay nadakip ka­sa­ma ang kanyang live-in part­­ner na si Ralph Anthony Ro­xas, 25, noong May 6, 2017 sa EDSA sa Brgy. Philam habang tumatakas sakay ng isang taxi dakong alas-7 ng gabi.

Dito ay narekober kay Colis at Roxas ang mga sachet ng shabu. Pero nang dalhin sa PS-2 ay iniwan ng mga ito sa loob ng taxi ang bag para itago ang kontrabando pero kalaunan ay narekober din ng driver at ibinalik sa awtoridad.

Samantala, positibo ring kinilala ng driver si Colis na siyang nag-iwan ng naturang bag noong gabi ng isakay niya ito.

Bukod sa pera at droga na may timbang na 200 grams (P1,000,000.00 in street va­lue), narekober din sa bag ang 10 mobile phones, 1 Acer tablet, 1 IPOD.  

Sabi ni Eleazar, nagpapa­salamat sila sa katapatan ng driver na hindi nasilaw sa malaking halaga ng pera, bag­kus ay siya pa mismo ang gu­mawa ng paraan para ha­napin at ituro ang nakaiwan nito. 

 

vuukle comment

GUILLERMO LORENZO T. ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with