^

Metro

Trader Itinumba sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang negosyante  ang na­sawi  makaraang pagba­barilin ng isang armadong lalaki sa may footbridge ng Sandigan sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO3 George Caculba, nakilala ang nasawi na si Elmer Lao, 41, may lending business at re­sidente sa West BF, Brgy. Holy Spirit QC.

Inilarawan naman ang  sa­larin na may taas na 5’7 hanggang 5’8, nakasuot ng jacket at facemask na ma­bilis na tumakas matapos ang pamamaril sa biktima.

Sa ulat, nangyari ang insi­dente sa may footbridge ng Sandigan na matatagpuan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Brgy. Batasan hills, QC, dakong alas-9:30 ng gabi.

Bago ito, kasama ng biktima ang kanyang kapatid na si Francisca at hipag na si Imee ay naglalakad nang big­lang sumulpot ang suspek at pagbabarilin ang biktima na agad namang bumuwal sa kalye.

Wala namang nagawa ang dalawang kasama nito habang tinitignang naglala­kad lamang palayo sa hindi mabatid na direksyon ang suspek.

Patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya sa naturang insidente upang mabatid ang motibo sa  krimen. 

vuukle comment

GEORGE CACULBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with