^

Metro

NPD nakipagdayalogo sa Muslim community

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa magkasunod na pagsabog sa Quipao Maynila na ikinamatay ng dalawa katao at pagkasugat ng anim pa, nakipag­dyalogo kahapon ang pamunuan ng Northern­ Police District (NPD) sa Muslim community at mga religious leaders.

Nasa 20 Muslim leaders mula sa Ca­loocan, Malabon, Navotas at Valenzuela cities (CAMANAVA)  ang dumalo sa pulong na inorganisa ng NPD upang mas maging  maganda ang kanilang relasyon at magtu­lungan sa pagmamantina ng peace and order dito.

Nilinaw ni NPD Director Chief Supt. Roberto Fajardo, ang kanilang pulong ay para sa preemptive measure upang maiwasan ang anumang karahasan tulad ng nangya­ring  magkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila.

“We want everyone to have a peaceful life. Ayaw naming sirain ang katahimikan sa inyong lugar kaya magtulungan tayo,” ito ang pahayag ni Fajardo  sa Muslim community.

Tiniyak naman ni Fajardo sa Muslim leaders­ at sa  kanilang Imams, na poprotektahan ng hanay ng pulisya ang kanilang komunidad.

Tiniyak rin ng Muslim community sa pu­lisya, na handa silang tumulong sa kam­panya nito kontra kriminalidad at terorismo.

vuukle comment

NPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with