^

Metro

Nagpadeliber ng ‘bomb package’, tukoy na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tukoy na ng Manila Police District ang nagpade­liver nang sumabog na package para sa abogadong si Atty. Nasser Abinal bilang Re­venue District Officer (RDO) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nakatalaga sa Intramuros, Maynila noong Mayo 5.

Ayon sa isang opisyal ng MPD, isang babae na pina­niniwalaang Muslim na nakabalot ang ulo at mata malamang ang nakikita at nag­ngangalang ‘Hannah’ ang  nag­pa-deliver at nag-abot ng package sa delivery boy ng Grab base rin umano sa tran­saction slip.

Nagkita si ‘Hannah’ at ang delivery boy sa north side ng isang mall base na rin sa closed circuit television ng barangay.

Nabatid na ang CCTV rin ang susi kung saan nakita ang pagdedeliber ng package­ hanggang sa maganap ang pagsabog sa Norzagaray St., sa Quiapo, Maynila.

Nagsasagawa pa rin ng  follow up investigation ang MPD hinggil sa utak ng pagpapasabog.

Samantala, nakatakdang makipagdyalogo ang MPD kasama si Manila Mayor Joseph Estrada sa mga lider na Muslim upang mapag- usapan ang sitwasyon.

Inatasan din ni Estrada si Nanet Tanyag, hepe ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), na kontakin at makipag-ugnayan sa mga pamilya ng dalawang taong nasawi at tignan kung anong tulong ang maaaring maibigay ng pamahalaang lungsod gayundin ang mga nasugatan sa mga naganap na pagsabog noong Abril 28 at Mayo 5.

vuukle comment

RDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with