^

Metro

Shootout: 2 dedo

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang dalawang lalaki na sinasabing dawit sa ilegal na droga makaraang makipagbarilan ang mga ito sa mga pulis, kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Namatay noon din sanhi  ng tinamong mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang mga suspect na nakilala sa alyas Toto at ang kasama nitong lalaki na inaalam na rin ang pagkakakilanlan nito.

Ayon sa hepe ng Parañaque City Police na si  Senior. Supt. Jemar D. Modequillo, naganap ang insidente pasado alas-12:00 ng madaling-araw sa NAIA Riverside sa Brgy. Tambo ng naturang lungsod.

Nabatid na nagsagawa ng ‘Oplan Sita’ ang mga pulis sa naturang lugar, namataan nila ang mga suspect na may kahina-hinalang kilos.

Kaagad na sinita ng mga pulis ang dalawa at sa halip na sumuko ang mga ito, pinutukan nila ang mga alagad ng batas hanggang sa nauwi sa habulan at sa palitan ng putok kung saan bumulagta ang dalawang suspect  na agad na  nasawi.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng mga pulis, si alias Toto ang nagbabagsak ng droga sa Puyat Compound, Brgy. Tambo, Parañaque City.

Bukod sa droga, sangkot din ang mga napatay na suspect sa ilang serye nang panghoholdap sa lugar.

Narekober sa mga suspect ang dalawang kalibre .38 baril, 10 sachet ng hinihinalang shabu at weighting scale.

vuukle comment

JEMAR D. MODEQUILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with