^

PSN Showbiz

Rosanna losyang na losyang na ang hitsura

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Inilabas ni Bb. Pilipinas Universe 2017 Rachel Peters ang toddler picture niya habang karga siya ni Martin Nievera. Twenty five years old na ngayon si Peters at 55 years old si Martin.

SCENE: Bagay na bagay kay Rosanna Roces ang schizophrenic role niya sa episode ng Maalaala Mo Kaya noong Sabado dahil losyang na losyang na ang kanyang hitsura.

SEEN: Malulungkot si Kris Aquino kapag nalaman nito ang nagkakaisa na opinyon ng showbiz authorities na mahihirapan na siya na mabalikan ang dating estado sa entertainment industry.

SCENE: Ngayong gabi ang red carpet premiere ng Our Mighty Yaya sa Cinema 1 ng SM Megamall. Bida sa Our Mighty Yaya si AiAi delas Alas, ang Best Actress ng 2017 ASEAN International Film Festival & Awards.

SEEN: Busy ang singer na si Richard Reynoso sa pagpapainterbyu tungkol sa kanyang binabatikos na pagkanta ni Daniel Padilla sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2017 noong April 30.

SCENE: Insecure at kulang sa pansin ang mga banat kay Richard Reynoso ng loyal fans ni Daniel Padilla na sarado ang isip sa katotohanan.

SEEN: Ang farewell show kahapon ng Encantadia cast sa Enchanted Kingdom. Isinabay sa farewell show ang pagpapakilala sa mga karakter ng Mulawin vs. Ravena, ang telefantasya na ipapalit ng GMA-7 sa Encantadia na magwawakas sa May 19.

SCENE: Ang book signing ni Sarah Lahbati sa SM The Block sa May 13, 4 p.m. Si Sarah ang author ng True Beauty ng VRJ Books.

vuukle comment

RACHEL PETERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with