^

Metro

6 timbog sa pot session

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang anim na katao na hinihinalang pa-wang adik nang maaktuhang nagpa-pot session ng mga awtoridad sa Brgy. Ilog, Pasig City kamakalawa.

Ang mga suspek na sina Michael Espanio, Felipe dela Rosa, Nilo Logronio, Edralin Victorino, Riczal Redeloza, at Alfonzo Painaga, na pawang residente ng naturang barangay ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa ulat na nakara-ting sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Romulo Sapi­tula, ang mga suspek ay inaresto matapos na maaktuhang nagpa-pot session ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 4 ng Pasig City Police dakong alas-3:30 ng hapon.

Nagpapatrulya umano ang mga awtoridad sa A. Flores St. sa Brgy. Ilog, nang may makapagsabi sa kanila na isang grupo ng mga drug addict ang nagpa-pot session sa naturang lugar.

Kaagad naman itong pinuntahan ng mga pulis at na nakumpirma dahilan upang  sila ay arestuhin.

vuukle comment

MICHAEL ESPANIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with