^

Bansa

College grads mas darami sa libreng tuition sa SUCs

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas darami ang mga makakatapos sa kolehiyo sa sandaling maging batas ang libreng tuition sa mga state universities at colleges (SUCs).

Ayon kay Sen. Bam Aquino, marami rin ang magkakaroon ng mas magandang trabaho at suweldo sa nasabing panukala.

Ang panukala ay nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa na sinuportahan ng 18 senador.

Nakatakdang isalang ito sa bicameral confe­rence committee upang pag-isahin ang dalawang bersiyon mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Kapag naratipikahan ang pinal na bersiyon, ipadadala na ito sa Malacañang para sa pirma ng Pangulo.

Layunin ng panukala na isabatas ang libreng tuition sa SUCs sa buong bansa upang mabigyan ang mahihirap at nanga­ngailangang estudyante ng tsansang makapagtapos sa kolehiyo.

Palalakasin naman ang lahat ng Student Financial Assistance Programs (StuFAP) para sa mga mag-aaral na nais magtuloy ng kolehiyo sa pribadong unibersidad at matustusan ang iba pang gastos ng mga ito sa SUCs.

Paliwanag ng senador, sa ilalim ng kasalukuyang budget, tinatayang kalahati lang ng estudyante sa SUCs ang makikinabang sa libreng tuition.

Ngunit kapag naisabatas ang Senate Bill No. 1304, lahat ng estud­yante sa SUC ay hindi na magbabayad ng tuition fee. Magkakaroon din ng mekanismo para sa mga may kayang estudyante na magbayad ng tuition.

vuukle comment

BAM AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with