^

Kutob

Mayo 1, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang tapat na pagsisikap at pagpupursige ay may kasaganahang makakamit. Dahil nasa kamay na nagpapagal ang pagpapala ng Maykapal.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung may balak na lumipat ng bahay o tirahan, ngayon ang tumpak na araw ngunit gawin bago magtanghali. Kung nag-a-apply ng trabaho, matatanggap makalipas ang tanghali kung naaayon sa kurso o nalalaman ang kailangan sa inaaplayan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 28, 29, 39 at Indigo.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magiging maaliwalas ang buong araw at ang lahat ay tatakbo nang maayos ayon sa gusto. Isang kamag-anak o kaibigan ang mangungulit sa iyo na dapat huwag patulan, dahil hahantong sa init ng ulo. Iwasan ang magsugal at tiyak matatalo ka. Iwasan ang maglasing at tiyak may mangyayaring gulo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 26, 47, 25 at Red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang kaligayahang nadarama sa umaga ay may kapalit na kalungkutan sa dapit-hapon. Dahil sa pangyayaring magaganap o balitang matatanggap. Sikapin ang pagpipigil ng emosyon at maging mahinahon sa pagharap ng problema. Lucky numbers at color for the day ay 7, 20, 24, 28 at Agate green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kusang lalapit ang isang magandang pagkakataon na isang bagay, na hindi dapat palampasin dahil minsan lamang ito kakatok sa pintuan ng pagkatao. Isang mungkahi tungkol sa negosyo ang magbibigay ng kaunlaran. Naaayon ang paglagda ng anumang mahalagang papeles o kontrata. Lucky numbers at color for the day ay 14, 18, 25, 39 at Jade green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Isang mapalad na transaksiyon ang mabubuo na makapagpapabago sa takbo ng buhay. Ang negosyo ay magiging maunlad. Ang pag-ibig ay may ligaya at kagalakan, kung iiwasan ang selos, usaping pera o pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 32, 40, 42 at Purple.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Madaling matatamo ang solusyon sa anumang problema sa nakalipas, kung pagtutuunan ng pansin ngayon. Ang nagdaang mga tampuhan ay malulunasan. Kung nagkautang, ngayon ang pagkakataon na magaan itong mababayaran. Magiging maluwag ang pinansiyal. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 25, 33 at Maroon.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ihanda ang sarili sa anumang magaganap ngayon. Ang magandang mangyayari may hatid na galak at tuwa, kabaliktaran naman kung hindi. Ang lahat ay lilipas ngunit ang malaking kamalian ngayon ay mananatili bilang isang aral. Lucky numbers at color for the day ay 6, 16, 20, 25 at Tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang katangian na mapagmahal at maalalahanin ay siyang magbibigay ng labis na harmoniya sa pamilya, kasamahan at kaibigan. Walang dapat alalahanin sa negosyo o trabaho, dahil ang lahat ay tatakbo nang maayos. Walang magiging suliranin sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 23, 38, 41 at Red.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Panahon na ng pagbabago sa ugaling mapagtanim ng galit at poot. Ang magtataglay ng katangiang ito ay daranas nang pagkapulubi at paghihikahos. Iwasan ang tsismis para hindi lalong mabaon sa utang. Ang magkasala ay makatao, ang magpatawad ay maka-Diyos. Lucky numbers at color for the day ay1, 5, 10, 14 at Green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang nakaharap na suliranin ay kagagawan nang sarili at huwag ibato sa iba. Maging totoo at angkinin ang pagkakamaling nagawa. Ang mga maling nagawa ay magiging gabay upang maiwasan ang muling pagkakamali. Sikapin ang maging mahinahon at isiping mabuti ang gagawin bago kumilos. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 36. 37 at Beige.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kung makakasagupa ng taong tsismosa, masungit o daldalera, huwag magtaka dahil salamin lamang ito ng sarili. Sa pagbabago ng masamang nakaugalian, dadaloy ang suwerte sa buhay at magiging magaan ang damdamin at kalooban. May magaganap na pagbabago. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 11, 16 at Blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang taglay na tensiyon ay mapapawi dahil kusang darating ang solusyon na hindi inaasahan o hahanapin. May magandang balita na dara­ting,  na siyang magbibigay nang kagalakan. May panauhin mula sa malayo ang darating sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 22, 31, 34, 38 at Yellow.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with