^

PSN Opinyon

Pagkakataon na sana

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TAPOS na ang ASEAN Summit. Walang binanggit sa pagkapanalo ng bansa sa UN Permanent Court of Arbitration at sa paglikha ng China ng mga arti­pisyal na isla, pati ang paglagay ng mga sandata at armas sa mga ito. May balita na kahit hindi dumalo ang China sa ASEAN Summit, ku­milos ang kanilang mga tauhan para hindi maglabas ng pahayag sa mga nabanggit na isyu. Sa madaling salita, tinrabaho, o binraso ang nais na ilabas, o nais na huwag ilabas, sa pahayag ng ASEAN. Wala nga ang China, pero tila sila ang na­muno ng pagtitipon.

Sigurado hihimayin ng mga eksperto ang naganap sa ASEAN, partikular ang hindi bi­nanggit sa mga pag-aangkin ng China at militarisasyon sa rehi­yon. Ang nais kong ma­laman ay kung ano ang sinabi ng mga mi­yembro ng ASEAN na walang inaangkin sa South China Sea. Ano ang sinabi ng Myanmar, Indonesia, Thailand at Singapore? Ano ang katayuan nila sa isyu? Tikom din ba sila sa isyu? Tinrabaho rin ba sila ng China? Sumusunod na lang din sa nais ng China? 

Ngayon pa lang, may mga nadidismaya sa naganap, o sa hindi naganap sa ASEAN. Pagkakataon na raw sana ng Pilipinas, bilang punong-abala, para ma­nguna at magpakita ng matatag na katayuan sa sitwasyon sa South China Sea, partikular mga karapatan sa exclusive economic zone. Mukhang wala na talagang magagawa ang ASEAN sa mga ginagawa ng China sa karagatan. Kung hindi takot sa lakas ng China, baon naman sa utang ng loob. Wala nang isang boses para tapatan ang malaking bansa at nadagdagan pa ng kaalyado ang China sa ASEAN. May tatlong barkong pandigma ng China na nakadaong sa Davao City. Alam nilang may matalik na kaibigan sila roon, kaya doon nagtungo imbis na sa Manila. Siguradong ibibida ni President Duterte ang lakas ng mga barko, na tiyak may patutsada pa sa mga Amerikano, tulad ng ginawa niya nang dumalaw ang barkong pandigma ng Russia sa Pilipinas. Saan kaya sunod na dadaong ang mga barkong pandigma? Sa Subic? Sa Panatag Shoal na?

vuukle comment

ASEAN SUMMIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with