^

Probinsiya

Jeepney driver dedo sa nakasagiang pulis

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Jeepney driver dedo sa nakasagiang pulis
Kinilala ni Antipolo City chief of police P/Supt. Ruben Andiso ang napatay na si Petronilo Fernando ng Purok 3, Barangay Cupang, Antipolo City, at driver ng pampasaherong jeep na may plakang PXH 791 na may rutang Marikina-Bagong Nayon.
File

MANILA, Philippines - Patay ang 41-anyos na jeepney driver habang nadaplisan ng ligaw na bala ang isang bata makaraang pagbabarilin ng pulis na nakasagian nito sa Antipolo City, Rizal noong Lunes ng hapon.

Kinilala ni Antipolo City chief of police P/Supt. Ruben Andiso ang napatay na si Petronilo Fernando ng Purok 3, Barangay Cupang, Antipolo City, at driver ng pampasaherong jeep na may plakang PXH 791 na may rutang Marikina-Bagong Nayon.

Hindi naman natukoy ang pangalan ng batang nadaplisan ng ligaw na bala sa kamay.

Pinaghahanap naman ang suspek na si PO2 Ro­nald Pentacasi na nakatalaga sa Manggahan Police Station 7 sa Pasig.

Batay sa ulat na isi­numite ni Antipolo Police Community Precinct 1 commander P/Insp. John Paul Tabujara, dakong alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente sa pababang bahagi ng Marcos Highway sa panulukan ng Peñafrancia Street sa Antipolo City.

Nagkasalubong ang jeepney ng biktima habang ang suspek naman ay sakay ng kanyang motorsiklo. 

Sinasabing nagkasagian ang dalawang sasakyan kaya tumumba ang motorsiklo at nagalit ang pulis.

Kaagad namang nilapitan ng biktima ang suspek kung saan pinakiusapan na magkita sila sa garahe sa Catalina Street upang maayos ang problema at magbabayad na lamang  sa perwisyo, dahil sumisikip na ang daloy ng trapiko.

Gayunman, naunang dumating ang suspek sa Catalina Street subalit pagdating ng biktima ay kaagad na pinutukan ng tatlong ulit ng pulis.

Sinasabing nakasibil­yan ang pulis nang maganap ang krimen kaya hindi kaagad natukoy subalit kinalaunan ay may nakaki­lalang testigo kaya natukoy ang pagkakakilanlan ng pulis.

vuukle comment

RUBEN ANDISO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with