^

Metro

Magkasintahan niratrat, patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon
Magkasintahan niratrat, patay
Ayon sa ulat, nangya­ri ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa harap ng Virgo St., Remar Ville Subd. Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.
File

MANILA, Philippines - Patay ang magkasin-tahan makaraang pagbabarilin ng hindi nakikila-lang salarin habang ang mga una ay sakay ng ka­­ni­lang sasakyan sa may  Novaliches, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni SPO1 Marvin Masangkay, may hawak ng kaso, nakilala ang mga nasawi na sina  Mark Erickson Valdez, 20, ng Remar Ville Subd., Brgy. Bagbag, Novaliches; at kasintahang si Maria Cris Patriarca, 24, ng  Kaypadangan Canumay, Valenzuela City.

Ayon sa ulat, nangya­ri ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa harap ng Virgo St., Remar Ville Subd. Brgy. Bagbag, Novaliches, QC.

Bago ito, papauwi uma­no ang dalawa sakay ng isang Kia Rio nang  big­lang sumulpot ang suspek at pagbabarilin ang mga biktima.

Dead-on-the-spot sa loob ng sasakyan ang da­lawa.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­rative (SOCO) sa crime scene narekober ang anim na basyo ng bala at isang tingga, gayundin ang laptop at sasakyan.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen habang nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ukol sa pangyayari.

Samantala, sinasabing kapwa may dating mga asawa ang dalawang nasawi.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with