^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nagtatago ng bigas patikimin ng bigwas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Nagtatago ng bigas patikimin ng bigwas

ANG Department of Agriculture mismo ang nagsabi na maraming tusong negosyante ng bigas ang nagtatago nito para magkaroon ng senaryo na may shortage. Kapag nagkaroon ng shortage, itataas nila ang presyo. Ang mga tusong negosyante rin ang numero unong umalma nang ipag-utos ni President Rodrigo Duterte na itigil ang importasyon ng bigas. Sabi ng mga tusong negosyante, kukulangin ng supply ng bigas ang bansa kapag hindi umangkat ang pamahalaan. Sabi ni Agriculture Sec. Manny Piñol, walang katotohanan na kakapusin ang bansa sa supply ng bigas. Sapat na sapat ang supply sapagkat mara­ming ani ang magsasaka ngayon. Huwag daw ma­niwala sa sinasabi ng mga negosyante sapagkat ang gusto ng mga ito ay sila makinabang sa pagdagsa ng bigas. At ang kawawa ay ang mga local na magsasaka. Kapag dumami ang bigas na imported, wala nang bibili sa mga ani ng magsasaka sapagkat gusto ang imported na mura.

Mariin ang utos ni Duterte na hindi kailangang umangkat ng bigas sa panahong ito sapagkat panahon ng anihan. Inatasan niya ang Natioal Food Authority (NFA) na bilhin ang lahat ng mga aning palay ng magsasaka sa tamang halaga. Ginawa ng Presidente ang utos bago siya nagtungo sa Middle East dalawang linggo na ang nakararaan.

Kung natuloy ang memorandum circular ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. na i-extend hanggang Hunyo 30 ngayong taon na ito ang importation ng bigas ng private traders, tiyak babaha na naman ang smuggled na bigas sa bansa. Ire-recycle ng mga dupang na private rice traders ang kanilang nagamit nang import permits para makapag-smuggle ng bigas. At ang mga kawa­wang magsasaka ang kawawa rito.

Patikimin ng Presidente ng bigwas ang mga tusong negosyante na magho-hoard ng bigas. Hindi dapat manaig ang kanilang pagkagahaman. Ang mga kawawang magsasaka ang kanilang pinapatay. Nararapat pang kumilos nang husto ang Agriculture department para mahuli ang mga magho-hoard ng bigas. Bigwasan ang magtatago ng bigas.

 

vuukle comment

MANNY PIñOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with